Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Hunting season next week?

May bagong bulung-bulungan ang mga kabisto: tatlong kilalang personalidad daw ang posibleng puntahan ng mga awtoridad sa susunod na linggo at arestuhin.

Walang kumpirmasyon. Walang papel na nakalatag sa publiko. Pero sa political grapevine, mabilis kumalat ang chika kapag may naamoy na galaw.

Ang una, isang senador na sinasabi ng mga kabisto na may ugaling parang si Mr. Burns sa The Simpsons. Minsan niyang hawak ang beat, este ang asul na ribbon, pero ayun, nakabitaw. Ngayon, naaaning daw siya dahil madalas daw umiikot ang mga police mobile sa bahay niya sa isang kilalang subdivision, kunwari “regular patrol” lang, pero subtle paramdam kumbaga, na any moment, Mr. Burns, huli ka!

Ang pangalawa, isang astang Captain Hook na lider umano ng 18 marites. Siya raw ang may pakana sa lahat ng maleta issue, na pinahaba nan ang pinahaba na para bang movie franchise kahit wala namang nanonood o naniniwala. Maraming ingay, maraming paandar, maraming bitbit na kuwento, pero ang tanong, meron bang kahit isang totoo?

Ang pangatlo, ang matalak mong titang lasengga sa family reunion. Laging may banat, laging may sagot, laging may sermon. Tumakbo rin sa party-list lane, pero hindi rin naging tahimik ang biyahe.

Ayon sa ilang kabisto, kung totoo ang chika, hindi raw ito simpleng warning shot. Parang hunting season na raw para sa mga sobrang ingay sa entablado. May ilang bailable, ilang non-bailable na kaso daw na nakaamba.

Pero hanggang ngayon, bulung-bulungan pa lang. Abangan ang kaluskos next week!

Yun na. Bistado!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles