Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Loraña, Roda, Balderama naka-2 ginto sa Tarlac Athletics Championships

Nagdagdag ng ikalawang gintong medalya sina Hussein Loraña, Jessa Mae Roda at Rica Balderama, habang bumawi naman ang pambansang koponan ng 4×400-meter men’s relay team sa pagtatapos ng ICTSI Philippine Athletics Championships na iniharap ng Philippine Sports Commission nitong Linggo ng gabi sa New Clark City Athletics Stadium sa Capas, Tarlac.

Nakuha nina Loraña, Roda, at Balderama ang kanilang ikalawang ginto matapos manguna sa men’s at women’s 1,500m run at women’s triple jump, ayon sa pagkakasunod.

Matapos magpasiyang sumali sa event na huli niyang nilahukan noong 2019 Batang Pinoy National Championships sa Puerto Princesa, Palawan, maingat ang takbo ni Loraña bago tuluyang humiwalay sa huling 80 metro at nagtala ng 3 minutes at 49.12 seconds upang makumpleto ang golden double matapos ang panalo 800-meter race noong nakaraang araw.

Si Roda, na na-unang nagkampeon sa women’s 3,000m steeplechase, ay nagdagdag pa ng gintong medalya sa women’s 1,500m sa oras na 4:37.01.

Kasama rin nila sa may tig-dalawang gintong medalya si Balderama, na unang naghari sa long jump, matapos tumalon ng 12.42m.

Michael del Prado (Mula sa PSC)

Nagdagdag rin ng medalya and pambansang men’s 4x400m team, sa pangunguna ni Mico del Prado, anak ng middle-distance running legend na si Isidro del Prado, tungo sa dominanteng panalo sa oras na 3:13.25.

Kasama ni Del Prado sa koponan sina Frederick Ramirez, Alrhyan Labita at Kharis Pantonial, na mga sinasanay ng nakatatandang Del Prado na ngayon ay national coach.

“I tried to sense myself after winning the 800-meter race the previous night and I was only able to get five hours of sleep due to overthinking,” kwento ni Loraña, ang kampyon sa 33rd Thailand Southeast Asian Games noong Disyembre 2025.

“My father coach Bonifacio told me if I felt like I was capable of running the event then I should go for it. Eventually I was able to get two more hours of sleep before the early night race and I am so glad I did.”

Si Loraña ay nakatakdang lumahok sa kauna-unahang Asian U-23 Athletics Championships Hulyo 9 hanggang 12 sa Ordos, China, ngunit pag-uusapan pa nila ng kanyang ama kung sasali rin sya sa 1,500-meter event 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan sa Setyembre.

Pinuri ni Philippine Sports Commission Chairperson Patrick Gregorio ang torneo.

“The seamless organization of this championship shows how far Philippine athletics has come. Patafa (Philippine Athletics Track and Field Association) has proven that with vision and discipline, we can stage world-class events right here at home,” ani Gregorio. “Patafa has a very good, well-defined grassroots and talent identification program.”

Ang taunang ICTSI Philippine Athletics Championships, na kilala rin bilang National Open, ay nagsisilbing pangunahing track and field competition ng bansa. Layunin nitong hasain ang mga elite athlete habang nagbibigay ng entablado para sa mga kabataan at grassroots talents.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles