Isang huling adventure ang ihahatid ni Heart Evangelista sa kanyang mga tagahanga sa finale ng Heart World Season 2 ngayong Sabado, June 20.
Kasama ang kanyang team, babalikan ni Heart ang makulay at punung-puno ng sorpresa na mga karanasan niya sa buhay—mula sa mga biyahe sa iba’t ibang bansa at mga nakakabilib na fashion shows hanggang sa mahahalagang alaala kasama ang kanyang mga mahal sa buhay na ibinahagi niya ngayong season.
Kasabay ng pagtatapos ng kanyang reality show, isang bagong yugto naman ang pinasok ni Heart bilang game show host. Ipakikita niya ang exclusive behind-the-scenes sa kanyang pinakabagong programa sa GMA, ang The People Have Spoken.
Magbabahagi rin si Heart ng ilang eksena mula sa music video na ginawa niya kamakailan kasama si John Prats, na nagbigay ng kilig at excitement sa kanilang mga loyal na tagahanga.
Asahan ang mga makabuluhang aral at mga alaalang hindi malilimutan habang isa-isang binabalikan ni Heart ang kanyang journey sa Heart World Season 2. Huwag palampasin ang finale episode ngayong Sabado, 9:30 p.m. sa GMA Network.
Para sa iba pang kwento tungkol sa Kapuso Network, bisitahin ang www.GMANetwork.com.


