Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Diesel, kerosene may rollback ngayong araw; gasolina hati ang galaw

May bawas-presyo sa diesel at kerosene ngayong araw, Martes, June 16, habang hati ang galaw sa gasolina depende sa oil retailer at lokasyon ng gasolinahan.

Epektibo ang price adjustments alas-6 ng umaga ngayong araw, ayon sa Department of Energy (DOE).

Sa gasolina, maaaring may rollback na hanggang P0.32 kada litro o taas-presyo na hanggang P1.68 kada litro. Sa diesel, nasa P3.71 hanggang P5.71 kada litro ang rollback. Sa kerosene, nasa P0.50 hanggang P2.50 kada litro ang bawas-presyo.

Paliwanag ng DOE, mag-iiba ang galaw depende sa retailer at kung malapit o malayo ang gasolinahan sa depots.

Noong nakaraang linggo, nagtaas ang oil firms ng P0.30 kada litro sa gasolina, P4.80 hanggang P5.77 sa diesel, at P4.75 hanggang P8.10 sa kerosene.

Dahil dito, as of June 9, umabot ang year-to-date net increase sa P45.32 kada litro para sa gasolina, P43.41 para sa diesel, at P37.80 para sa kerosene.

Noong Lunes, sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na welcome development para sa Pilipinas ang ulat na may framework agreement ang United States at Iran para wakasan ang giyera, dahil sensitibo ang bansa sa galaw ng global oil prices.

“This is welcome news for the Philippines. As a country that imports majority of its oil, we are acutely sensitive to global energy prices,” sabi ni Garin sa virtual briefing.

Batay sa latest DOE data, ang kabuuang fuel inventory ng bansa ay katumbas ng 46.47 days worth of supply noong June 12. Nasa 44.98 days naman ang gasolina, 43.06 days ang diesel, 139.12 days ang kerosene, 73.83 days ang jet fuel, 45.50 days ang fuel oil, at 45 days ang liquefied petroleum gas. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles