May bagong pa-tsaa si Manong Mon Tulfo, mga kabisto.
Ayon daw sa kanyang tweety bird, tatlong senador daw ang nakahandang tumalon over the bakod at sumama sa lumalakas na bloc kapag nag-convene ang Senado sa special session sa Miyerkules, June 17.
Opisyal ang dahilan ng special session. Sa ilalim ng Proclamation No. 1318, ipinatawag ni Pangulong Bongbong Marcos ang Kongreso para talakayin ang supplemental budget para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao. Pero sa Senado, iba ang pinaguusapan ng mga kabisto.
Puwestuhan.
Ayon sa bulung-bulungan, kapag natuloy ang paglipat ng tatlong senador, aabot daw sa 15 ang bilang ng bagong bloc. Sapat na raw iyon para mailuklok ang isang senador bilang bagong Senate President.
Pero may catch, kasi 15 votes daw ay sapat para sa Senate presidency, pero kulang pa ng isa kung usapang conviction sa impeachment trial bilang senator judges.
Kaya naman bawat galaw, binibilang.
Sa tatlong sinasabing tatalon, isa raw ang medyo sigurado. Clue ng mga kabisto: kapag narinig mo ang pangalan niya, mapapa-order ka sa isang restaurant and deli na may “Place” sa pangalan.
Ang dalawa pa? Palaisipan pa rin.
May mga kabisto na nagtatanong kung magkapatid na V ba ang susunod. Kung mangyari iyon, triple V ang talon over the bakod.
Pero may ibang bulong na baka isa lang sa magkapatid ang gagalaw. Ang mas tahimik.
Bakit? Kasi yung kapatid daw ni quiet guy, entangled pa sa kabilang side.
May isa pang posibleng mag-somersault – and while doing that, sisigaw pa nga daw ang mga tao ng “go, go, go!”
Birada naman ng ilan pang kabisto, baka hindi sa bagong bloc mapunta ang ilan, kundi diretsong talon sa putik. Yung isa, congressman-turned-senator, yung isa action star senator, at isa, dating presidential sister na ngayon ay tila nasa sariling political lane.
Pero ito daw ang malinaw: si senator na mahilig mag-Facebook live at kapangalan ng posh totebag, hindi na hawak ang beat.
Sa Miyerkules, abangan ang exciting na kabanata sa Senateflix!
Yun na. Bistado!


