Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

P13.6-M SHABU NASABAT SA ZAMBOANGA BUY-BUST, 3 SUSPEK TIMBOG

Tatlong hinihinalang drug personality ang inaresto matapos masamsam ng mga awtoridad ang nasa dalawang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P13.6 milyon sa buy-bust operation sa Zamboanga City nitong Sabado, June 13.

Kinilala ang mga naaresto bilang alias “Mad,” 54-anyos na lalaki; alias “Sal,” 70-anyos na lalaki; at alias “Nik,” 34-anyos na lalaki.

Nakuha rin sa operasyon ang buy-bust money, mga cellular phone, mga bag, at iba pang ebidensiyang pinaniniwalaang may kaugnayan sa ilegal na transaksiyon sa droga.

Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Zamboanga City Police Station 4, sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang operating units.

Bahagi ito ng pinaigting na kampanya ng Philippine National Police laban sa ilegal na droga, matapos ang pagkakasabat sa malaking halaga ng hinihinalang shabu at pagkakaaresto sa tatlong itinuturing na high-value individual sa lungsod.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang mga ebidensiyang narekober sa operasyon. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles