Naglaan ang Government Service Insurance System (GSIS) ng P15.1 billion na emergency assistance para sa mahigit 608,000 members at pensioners na naapektuhan ng magnitude 7.8 earthquake sa Mindanao.
Inanunsyo ito ni GSIS president and general manager Wick Veloso.
Sakop ng tulong ang qualified active members at pensioners sa mga lugar na idineklarang under state of calamity.
Pwede silang mag-apply sa Emergency Loan Program hanggang September 7, 2026.
Ayon sa GSIS, ang borrowers na may existing emergency loan ay pwedeng makahiram ng hanggang P40,000.
Ang walang existing emergency loan naman ay pwedeng makahiram ng hanggang P20,000.
May 6 percent annual interest rate ang loan at babayaran sa loob ng 36 months.
Direktang ipapadala ang pondo sa ATM cards ng approved borrowers.
Tatanggapin ang mga aplikasyon sa pamamagitan ng GSIS Touch app.
Bukod sa emergency loans, handa rin ang GSIS na pabilisin ang insurance claims ng mga government agency at policyholder na may nasirang property dahil sa lindol.
Pinayuhan ang mga naapektuhan na agad mag-file ng mga claim.
Pwede rin silang humingi ng tulong sa 24/7 hotline at designated email addresses ng GSIS.
Ayon sa ahensya, nakahanda itong pabilisin ang pagproseso ng mga claim para makatulong sa mga recovery efforts sa mga lugar na tinamaan ng malakas na lindol. /Bistado


