Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Online child exploitation ring binuwag ng PNP, 2 babae arestado, 7 menor de edad nailigtas

Dalawang babae ang inaresto at pitong menor de edad ang nailigtas sa magkahiwalay na operasyon ng Philippine National Police (PNP) laban sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) sa Zamboanga City at Norzagaray, Bulacan.

Ayon sa PNP, unang isinagawa ang operasyon sa Zamboanga City noong June 2 ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center Mindanao Field Unit.

Nagpatupad ang mga operatiba ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD), na nauwi sa pag-aresto sa 27-anyos na babaeng suspek.

Nailigtas din sa operasyon ang tatlong babaeng menor de edad at isang child at risk.

Ayon sa PNP, nagsimula ang operasyon sa referral tungkol sa kahina-hinalang online content na na-flag ng isang partner organization.

Sa sumunod na imbestigasyon, natukoy umano ang posibleng pagkakasangkot ng suspek sa paggawa at pamamahagi ng Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) para sa foreign clients kapalit ng bayad.

Sinundan ito ng hiwalay na operasyon sa Norzagaray, Bulacan noong June 4.

Doon, nagsagawa ng WSSECD operation ang PNP-WCPC Anti-Trafficking in Persons Division.

Arestado sa Bulacan operation ang 43-anyos na babaeng suspek.

Nailigtas naman ang tatlong lalaking menor de edad na edad 11 hanggang 16.

Ayon sa PNP, nagsimula ang Bulacan operation sa intelligence na ibinahagi ng Australian Federal Police sa pamamagitan ng Philippine Internet Crimes Against Children Center.

Dito natukoy ang suspek na umano’y sangkot din sa CSAEM production at distribution involving minors.

Sasailalim ngayon sa forensic examination ang lahat ng digital devices, electronic storage media, at iba pang ebidensyang nakuha sa dalawang operasyon.

Gagamitin ang mga ito para suportahan ang paghahain ng kaukulang kaso laban sa mga suspek.

Maaaring sampahan ang mga suspek ng kaso sa ilalim ng Republic Act No. 11930 o Anti-OSAEC and Anti-CSAEM Act of 2022, kaugnay ng Republic Act No. 7610, Republic Act No. 9208, at Republic Act No. 10175.

Ayon sa PNP, ang mga paglabag sa naturang mga batas ay may parusang maaaring umabot sa life imprisonment at mabibigat na multa, depende sa bigat ng offense. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles