Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

PH agri exports umabot sa record-high $1.03B noong April

Umabot sa record-high na USD1.029 billion ang agricultural exports ng Pilipinas noong April 2026, kasabay ng mas agresibong pagbubukas ng gobyerno ng foreign markets para sa Philippine agricultural products.

Ayon sa latest data ng Philippine Statistics Authority (PSA), mas mataas ito ng 33.2 percent kumpara sa USD772.68 million na agricultural exports noong April 2025.

Sinabi rin ng PSA na ang agricultural export value sa April 2026 ang pinakamataas na naitala mula nang magsimula ang series noong 2000.

Kabilang sa top commodity groups ang animal, vegetable, or microbial fats and oils and their cleavage products, prepared edible fats, at animal or vegetable waxes.

Sa panayam noong Miyerkules, June 10, sinabi ni Department of Agriculture (DA) spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na nakatulong ang sunod-sunod na market access efforts para sa Philippine products.

“Sunud-sunod ‘yung mga pagbubukas ng mga bagong markets for our tropical fruits and high-value crops,” ani de Mesa, kasabay ng pagbanggit sa partnerships ng DA sa iba pang government agencies at private sector.

Ayon kay de Mesa, itinutulak ng DA ang export expansion ng coconut, mango, pineapple, avocado, banana, pomelo, dragon fruit, rambutan, ube, coffee, cacao, at iba pang produkto.

Giit niya, layunin ng DA na paliitin ang agricultural trade deficit ng bansa dahil sa “huge potential and strong comparative advantage” ng Pilipinas kumpara sa ibang bansa.

“Ang target natin is to narrow down the trade deficit, iyong gap ng imported items and export,” ani de Mesa.

Para tutukan ito, itinatag ng DA ang High Value Export Crop, Agri-Fishery Export Development and Promotion Office, ang unang opisina sa ilalim ng administrasyon ni President Ferdinand Marcos Jr. na nakatuon lamang sa export promotion.

“Nagkaroon ng dedicated office na ang opisina na iyon ay export promotion. Ang trabaho niya talaga ay to promote at magkaroon talaga ng comprehensive program,” sabi ni de Mesa.

Ang naturang opisina ay pinamumunuan ni Agriculture Undersecretary Philip Young.

Kasabay ng pagtaas ng exports, lumiit din ang agricultural trade deficit ng bansa.

Ayon sa PSA, bumaba ang agri trade deficit ng 34.7 percent noong April sa USD600.09 million, mula USD919.64 million sa parehong buwan noong nakaraang taon.

Kabilang sa pinakahuling market expansion moves ang unang commercial shipment ng pineapples mula South Cotabato patungong Khor Fakkan Port sa United Arab Emirates.

Umalis noong Lunes ang shipment na may kabuuang 18 metric tons.

Noong June 3, nakumpleto rin ng Pilipinas ang unang shipment ng 1 metric ton ng Zambales mangoes patungong Toronto, Canada. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles