Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Showbiz at Socmed Celebrities, may reaksyon sa pag-handle ng balita ng nalunod na Ateneo players

Hindi naman naiwasan ng ilang kilalang showbiz celebrities ang pansinin at punahin ang Ateneo management sa pag-handle nila ng krisis na matatawag hinggil sa nalunod na mga basketball players na member ng Ateneo Basketball team.

Kinuwestyun naman ng mga gaya nina direk Roman Perez, singer Daryl Ong, ilang hosts ng It’s Showtime, mga broadcaster, at mga vloggers o socmed influencers na dismayado sa paghawak ng Ateneo ng naturang isyu.

Kahit ang mga former players o athletes ng kilalang unibersidad gaya nina Gretchen Ho, Kiefer Ravena, at iba pang nasa ibang sektor na ngayon ay nagpahayag ng kanilang matinding pagkalungkot sa pangyayari.

Kabilang sa mga nagpahayag ng kanilang malungkot na pakikidalamhati ay sina Bianca Gonzales at asawang dating Ateneo basketball player na si JC Intal at active volleyball star nitong brother  na si Rex.

Nandiyan din sina Ryan Agoncillo, Robi Domingo, Rico Blanco, Janine Gutierrez, Wynwyn Marquez, Marion Aunor at marami pang iba.

Produkto din ng naturang school sina Kris Aquino at Lea Salonga.

May mga vloggers na kinukuwestyun ang tila higit umanong pag-aalaga sa imahe ng Ateneo bilang premiere school sa bansa at bilang isa sa may pinaka-advance, competitive at world-class na sports program base na rin sa lakas at popularidad ng mga ito.

Dismayado din ang mga showbiz personalities na may kaanak o mga kaibigan mula sa naturang school dahil halata umanong mas pinahahalagahan ng management ang kanilang status sa lipunan kesa sa pagiging makatao, higit ang pagiging maka-Diyos bilang isa itong Sectarian school.

Pinatatakbo ng sekular na Jesuits o Society of Jesus ang Ateneo University na may mga sangay din sa Ateneo de Davao University (Davao City), Ateneo de Zamboanga University (Zamboanga City), Xavier University – Ateneo de Cagayan (Cagayan de Oro) at Ateneo de Naga University (Camarines Sur).

Ang isa sa mga nasawing player na si Rene Clert Baterbonia ay produkto ng Ateneo de Davao, habang si Divine Adili ay na-scout mula sa bansang Nigeria.

Papasok sanang ‘rookie player” si Baterbonia na nakitaan ng husay at potensyal sa Palarong Pambansa, habang nakapaglaro na si Adili sa season 88 ng UAAP para sa Ateneo.

Kalat na kalat na ngayon sa socmed ang mga reels at videos ni Baterbonia nang kanyang gilas sa paglalaro kasama na ang araw ng kanyang pag-alis patungong Maynila para nga sa naturang training o team building ng Ateneo basketball team sa Aurora, Quezon.

Maraming naantig sa kuwento ng buhay ni Baterbonia na lumaki sa hirap at inspirasyon ng mga nakakakilala sa 19-anyos na player kaya naman “bugbog na bugbog” sa mga negatibong opinyon ang Ateneo de Manila University at ang kabuuan ng Ateneo University family.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles