Kinagigiliwan ng netizen at mga fans ng PBB ang naging pagbisita ni Vince Maristela sa It’s Showtime ngayong June 10.
Isa si Vince sa mga contestants ng portion na “Laro-Laro Pick” na hino-host nina Vice Ganda, Jhong Hilario at mga kasama.
Sa isang bahagi ng kontes ay may mga tanong na dapat sagutin para mag-advance sa susunod na round.
Nagsisimula sa letter “C” ang sagot sa mga tanong ni Vice at nataon kay Vince ang tanong kung sino ang anchor-host ng famous drama series na Maalaala Mo Kaya at naging top executive pa ng ABS-CBN network.
“Cory Vidanes,” ang buong giliw na isinagot ng guwapong PBB housemate na ikinabaliw nina Vice at Jhong na tawa ng tawa.
Nang napagtanto ng Kapuso star na siya’y nagkamali at kinurek ng mga hosts, mabilis siyang tinukso na lagot sa top executive at asahan na ang pagtanggap ng “memo.”
Mabilis na nag-viral ang naturang portion na agad din namang sinakyan ng mga bosses na sina Mam Charo at Mam Cory.
Sa isang post ni Mam Charo, sinabi nitong kailangang mag-report ni Vince sa office niya.
Nagreply naman si Vince kung puwede siyang magpasama sa big boss niya sa GMA 7 at Sparkle Artist na si Atty. Annette Gozon.
Marami ang naaliw at natuwa sa pangyayari kaya’t baka daw finally ay mas mabigyan ng marami pang shows sa Kapamilya network ang Kapuso artist.


