Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ngayong linggo: Diesel tataas hanggang P5.77/liter; kerosene hanggang P8.10

Mabigat na taas-presyo ang sasalubong sa diesel at kerosene ngayong linggo, habang halos flat o bahagyang galaw naman ang inaasahan sa gasolina, ayon sa Department of Energy (DOE).

Batay sa datos na inilabas ng DOE nitong Lunes, posibleng tumaas ang presyo ng diesel ng P3.77 hanggang P5.77 kada litro.

Mas malaki naman ang galaw sa kerosene, na maaaring umakyat ng P6.10 hanggang P8.10 kada litro.

Sa gasolina, halo ang forecast. Ayon sa DOE, maaari itong bumaba ng P1.70 kada litro, pero maaari rin itong tumaas ng hanggang P0.30 kada litro.

Naglabas na rin ng advisory ang ilang kumpanya ng langis para sa bagong adjustments na epektibo alas-6 ng umaga sa Martes.

Ayon sa Seaoil, magtataas ito ng presyo ng gasolina ng P0.30 kada litro, diesel ng P5.77 kada litro, at kerosene ng P8.10 kada litro.

Sinabi naman ng Petron na magtataas din ito ng presyo ng gasolina ng P0.30 kada litro, diesel ng P4.85 kada litro, at kerosene ng P4.75 kada litro.

Ibig sabihin, pinakamabigat na tama sa motorists at consumers ngayong linggo ang diesel at kerosene, lalo na sa public transport, delivery, logistics, at households na gumagamit pa rin ng kerosene.

Pero tiniyak ng DOE na sapat pa rin ang domestic fuel supply ng bansa.

Batay sa parehong DOE data, as of June 5, sapat ang gasoline supply ng bansa para sa 44.81 days.

Ang diesel supply naman ay sapat para sa 45.21 days, habang ang kerosene supply ay sapat para sa 143.09 days.

May sapat ding existing jet fuel supply para sa humigit-kumulang 73.25 days.

Ang fuel oil supply ay sapat para sa 41.01 days, habang ang liquefied petroleum gas o LPG ay sapat para sa 45.04 days.

Ayon sa mga energy official, nananatiling adequate ang domestic supply dahil sa pinagsamang government at private reserves.

Patuloy din umano ang mga hakbang para mapanatili ang stability sa gitna ng paggalaw ng presyo ng petrolyo. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles