Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Magnitude 5.3 lindol yumanig sa Bicol

LEGAZPI CITY – Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang ilang bahagi ng Bicol Region bandang 9:57 p.m. nitong Biyernes, June 5,, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Tinukoy ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa layong 15 kilometers south ng Santo Domingo, Albay.

May lalim itong 9 kilometers.

Naramdaman ang Intensity V sa Santo Domingo at Legazpi City sa Albay.

Naitala naman ang Intensity IV sa Tabaco City, Ligao City, at Malilipot sa Albay, gayundin sa Cogon, Irosin, at Donsol sa Sorsogon.

Intensity III ang naramdaman sa Naga City at Malinao sa Albay, pati sa Sorsogon City, Prieto Diaz, at Juban sa Sorsogon.

Intensity II naman ang naitala sa Goa, Camarines Sur at Bulan, Sorsogon.

Sa instrumental intensities, naitala ng Phivolcs ang Intensity VI sa Tabaco City, Albay.

Intensity V naman ang naitala sa Castilla, Sorsogon.

Nasa Intensity IV ang Sorsogon City at Iriga City sa Camarines Sur.

Intensity III naman ang naitala sa Prieto Diaz, Sorsogon, Monreal, Masbate, Sagñay, Sipocot, at Pili sa Camarines Sur, at Mercedes sa Camarines Norte.

Ang reported intensity ay batay sa naramdaman at iniulat ng mga tao sa lugar na tinamaan ng lindol.

Ang instrumental intensity naman ay sinusukat gamit ang intensity meter na nagtatala ng ground acceleration.

Ayon sa Phivolcs, inaasahan ang aftershocks at posibleng pinsala mula sa lindol.

Pinayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-ingat, bantayan ang susunod na advisories, at suriin ang mga bahay at gusali kung may bitak o pinsala bago muling gamitin. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles