Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Habagat hahataw sa Ilocos, Pangasinan, Zambales; Ester nasa labas na ng PAR

Patuloy na magpapaulan ang Habagat sa ilang bahagi ng Luzon kahit nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Depression Ester.

Sa Weather Advisory No. 30 na inilabas alas-11 ng umaga nitong June 6, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng makaranas ng 50 hanggang 100 millimeters ng ulan ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, at Zambales mula ngayong araw hanggang tanghali ng June 7.

Mula tanghali ng June 7 hanggang tanghali ng June 8, nasa 50 hanggang 100 millimeters pa rin ang inaasahang ulan sa Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Ayon sa PAGASA, maaaring mas mataas ang pag-ulan sa mga mountainous at elevated na lugar. Maaari ring lumala ang epekto sa ilang lugar dahil sa naunang malalakas na pag-ulan.

Pinayuhan ng weather bureau ang concerned disaster risk reduction and management offices na gawin ang kinakailangang hakbang para protektahan ang buhay at ari-arian.

Bukod sa heavy rainfall outlook, magdadala rin ang Habagat ng scattered rains at thunderstorms sa Metro Manila, Cagayan Valley, nalalabing bahagi ng Cordillera region, nalalabing bahagi ng Central Luzon, Rizal, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro.

Sa natitirang bahagi ng bansa, asahan ang partly cloudy to cloudy skies na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms.

Samantala, alas-8 ng umaga nitong June 6, nakalabas na sa monitoring domain ng PAGASA ang Tropical Depression Ester, na dating LPA 06a.

Kahit nakaalis na si Ester, nananatili ang Habagat bilang pangunahing weather system na magpapaulan sa ilang lugar sa Luzon. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles