Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

15 pang OFWs mula Israel, ligtas nang nakauwi

Ligtas nang nakabalik sa Pilipinas ang 15 pang Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Israel matapos silang makalikas noong June 4 kasunod ng ipinatutupad na ceasefire.

Dumating sa bansa ang bagong batch ng repatriated OFWs nitong June 5, matapos dumaan sa Bangkok bago lumapag sa Maynila.

Ayon sa ulat, naging posible ang kanilang pag-uwi sa pagtutulungan ng One Country Team na pinangunahan ng Migrant Workers Office, Overseas Workers Welfare Administration, at Embahada ng Pilipinas sa Israel.

Ito na ang pangalawang batch ng OFWs na na-repatriate matapos magbalik sa normal operations ang Ben Gurion International Airport sa Israel.

Lulan ang mga OFW ng El Al flight patungong Bangkok. Mula roon, sumakay sila ng connecting flight ng Philippine Airlines na lumapag sa Maynila hating-gabi ng June 5.

Sa kabuuan, umabot na sa 235 Pilipino ang natulungan ng Philippine Embassy na makaalis sa Israel mula noong February 28.

Kabilang sa mga nailikas at nabigyan ng tulong ang caregivers, hotel workers, stranded tourists, pilgrims, students, at minor dependents.

Patuloy naman ang pamahalaan sa pagbibigay ng tulong para sa kaligtasan ng mga OFW at iba pang Pilipino sa abroad. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles