Nanawagan ang 11-member Senate minority bloc na magbitiw si Senate President Alan Peter Cayetano matapos hindi muling dumalo ang majority bloc sa plenary session, dahilan para mabinbin ang mahahalagang panukala bago ang adjournment ng Kongreso.
Sa press conference sa Senate session hall nitong Martes, binasa ni Sen. Erwin Tulfo ang joint statement ng minority bloc.
“Senate President Alan Peter Cayetano SHOULD RESIGN as he has shown that he cannot function as the leader of the Senate,” ayon sa minority senators.
Nitong Martes, ikalawang sunod na araw na hindi sumipot ang majority bloc sa session. Nauna silang hindi dumalo noong Lunes matapos arestuhin si Sen. Jinggoy Estrada kaugnay ng plunder at graft charges sa flood control corruption scandal.
“What happened today was a clear abandonment of responsibility, a dereliction of duty, and a blatant disregard of the rules that govern this institution, because the Senate cannot be made to stop working simply because its presiding officer refuses to lead,” ayon sa minority.
Giit ng bloc, nilabag ang Rule XIV, Section 41 ng Senate rules, na nagsasabing maaari lamang ipagpaliban ng Senate President ang session matapos kumonsulta sa Majority Leader at Minority Leader.
“That rule was violated. This is not merely a procedural lapse—it is a direct violation of the Rules of the Senate and a serious disrespect for the institution and the Filipino people,” sabi ng minority bloc.
Naroon sa briefing sina Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III, Erwin Tulfo, Panfilo Lacson, Juan Miguel Zubiri, Sherwin Gatchalian, Francis “Kiko” Pangilinan, Risa Hontiveros, Bam Aquino, JV Ejercito, Lito Lapid, at Raffy Tulfo.
Nanawagan sila sa majority senators na dumalo sa session para maituloy ang trabaho ng Senado.
“We appeal to all our colleagues to attend the session. It is our duty. The people pay us to work and to legislate, not simply to be absent,” ani Zubiri.
Kabilang sa mga nabinbin ang Anti-Hospital Detention Bill, Magna Carta for Barangay Health Workers, confirmation ng military officials, at bills para sa Philippine citizenship nina Bennie Boatwright III at Matthew James Ramos.
Ayon kay Gatchalian, malaking gastos ang nasasayang kapag walang session.
“It is a waste of taxpayers’ money,” sabi niya.
Tinuligsa rin ng minority ang paliwanag ni Cayetano na hindi dumalo ang majority para protektahan ang independence ng Senado at masiguro ang pagpapatuloy ng Blue Ribbon Committee probe sa flood control mess.
“Walang pinipigil na hearings. Figment of their imagination ang ginagawa nila. Wala kaming ginagawang hadlang sa proseso ng Senado at mga agenda ng Senado,” ani Zubiri.
“We are not stopping any hearings, as long as they are conducted properly,” sabi ni Hontiveros.
“We are not blocking the blue ribbon committee. They should go ahead with the blue ribbon hearing,” dagdag ni Aquino.
Sa Facebook Live, sinabi naman ni Cayetano na ang hindi pagdalo ng majority ay parliamentary tool para matiyak na matutuloy ang Blue Ribbon hearing.
“But it is also a parliamentary tool to ensure the Blue Ribbon hearing pushes through on Thursday,” sabi ni Cayetano.
Pero para kay Pangilinan, hindi Senate independence ang nangyayari.
“Impunity ito, hindi ito Senate independence,” ani Pangilinan.
Kinontra rin ni Hontiveros ang panawagan ni Cayetano na hayaang manahimik ang Senado.
“It’s extremely wrong to ‘let the Senate go quiet.’ The Senate is supposed to be a mouthpiece of the people, so why silence it?” sabi niya.
Hinamon naman ni Raffy Tulfo si Cayetano na pumasok sa session.
“I challenge Alan Peter Cayetano: if you are brave, show up here tomorrow. Otherwise, you are a coward,” ani Tulfo.
Si Lacson, hindi na kay Cayetano umapela. Sa halip, tinawag niya ang posisyon ng Senate President na “untenable” at nanawagan sa ibang miyembro ng majority.
“We appeal to the rest of the members of the majority bloc—‘wag na si SP. We appeal to their sense of duty and responsibility kasi mukhang untenable na si SP, kasi siya yung nagsasabi sa mga kasamahan namin na huwag nang umattend ng session,” ani Lacson.
“We now appeal to the rest of the members of the majority bloc. We appeal to their sense of duty na mag-attend ng session bukas,” dagdag niya.
Sinabi rin ni Pangilinan na gagamitin ng minority ang legal na paraan para tapusin ang deadlock.
“We will exhaust legal remedies to address itong impasse na ito,” ani Pangilinan.
Ngayong Miyerkules, sinagot ni Cayetano ang panawagang mag-resign siya. Sa Facebook Live, sinabi niyang kung may 13 senador na sa kabilang panig, hindi na kailangan ang kanyang resignation.
“Inuulit ko po ha, pag may trese [13], automatic hindi ko na kailangang mag-resign, sa inyo na,” ani Cayetano.
“In fact, tinitingnan ko lang day-by-day, week-by-week lang na matuloy lang itong mga hearing maumpisahan lang, baka naman ‘yun lang ang trabaho ko,” dagdag niya.
Dahil wala sina Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa at Estrada sa Senate floor, halos tabla ang bilang ng magkabilang panig sa 11-11. Kapag walang quorum, hindi makausad ang Senado sa mga panukala, confirmations, at iba pang trabahong kailangang aksyunan bago ang adjournment. /Bistado


