Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Sen. Lito Lapid, nag-feeling “heartthrob” daw sa emote kay Sen. Pia Cayetano?

“Ibang klase din ang tikas ni Leon Guerrero. Iba ka Pinuno. Heartthrob na heartthrob,” ang karamihan sa mga reaction na nag-viral sa socmed kamakailan sa isang eksena sa Senado.

Ang pinag-uusapang kuwento ay may kinalaman sa naging gesture ni Sen. Lito Lapid, na associated sa mga naging karakter nito sa showbiz bilang sina Leon Guerrero at Pinuno, nang sagutin niya ang pahayag ng kapwa Senador na si Pia Cayetano matapos siyang mag-manifest na bahagi pa din siya ng minority group.

“Fake news po kasi yung umiikot na balita na diumano’y lumipat na ako sa majority block. Mananatili po ako sa minority, “pahayag ni Lapid.

Dahil dito, nagmanifest naman si Sen. Pia, kapatid na ngayo’y Senate President na si Alan Peter at kasapi sa ‘majority block.’

Sabi ng Senadora, “malugod po naming tinatanggap Sen. Lapid,” sabay kwentong sa loob ng dalawang dekada nilang pagsasama sa Senate ay never daw itong pumalya na magpadala buwan-buwan sa kanya ng mga kakaning “maja blanca at suman.”

At bilang mabilis at matikas na action star dati sa movies, sinagot agad ito ni Lapid ng, “gusto ko kasing malaman mo na mahal kita.”

Dahil dito ay napuno ng tawanan, palakpak at kilig ang mga nasa Senado, kasama na ang mga nanonood ng natruang session sa plenaryo kung saan nga mahigpit at mainit ang mga diskurso sa mga ruling, sa impeachment item at ang patuloy na paghahanap kay Sen, Bato dela Rosa.

Actually hindi pa doon natapos ang nasabing palitan ng mga “entertainment words” dahil mismong si Senate President Alan Cayetano ay may hirit na, “alam naman ni Sen. Lapid na may isyu na ako sa aking kalusugan pero panay pa din ang padala niya sa akin ng “sisig.”

Mabilis din ang naging tugon dito ni Sen, Joel Villanueva nang, “Mr. President, gusto ka lang po niyang ilapit kay Lord.”

“Wala na. Kawawa na tayong mga pinoy. Nasa Senado na ang malaking telon ng entertainment. Mamimili ka na lang kung anong genre ang nais mong tutukan at panoorin. May aksyon, may comedy, may drama, may horror at ngayon, may romance na. Hay, ito na ba ang mga nagpapatakbo ng bansa natin?,” ang korus ng madlang pipol na umay na umay na sa mga sinasabi nilang “kabalintunaan” ng mga Senador natin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles