Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Rere Madrid-Kai Sotto, ikinasal na

Masayang ibinahagi ng aktres na si Rere Madrid sa kanyang IG account ang mga larawang kuha sa pagpapakasal nila ng kanyang asawa na ngayong si Kai Sotto.

“Still feels unreal that we finally get to call this day ours. (Mr & Mrs Sotto),” sambit ni Reer sa kanyang Instagram account.

Dagdag pa niya, “first, we want to thank God for this wonderful blessing we experienced this year. Even though we went through challenges, misunderstandings, and people who tried to break what we had, we still chose to trust each other. Because of that, our relationship became even stronger, together with the love and support of our families.”

Nagkakilala sina Kai at Rere sa event ng GMA Gala noong 2024 at simula noon ay hindi na sila naghiwalay hanggang sa ikinasal na nga sila nitong Martes sa isang intimate na garden ceremony sa Alfonso, Cavite.

Present sa event ang respective families nila lalo na ang proud kuya ni Rere na si Ruru, kasama ang gf nitong si Bianca Umali.

Sinuportahan ng mga kaibigan niya sa basketball community ang 7-footer na si Kai na kilala nga din sa kanyang mundo bilang member ng Gilas Pilipinas at posibleng maging kauna-unahang pinoy player na mapabilang sa isang legit na NBA team sa USA.

Huling napanood si Rere sa katatapos lang na fantasy series na “Encantadia Chronicles: Sang’gre” sa GMA 7. Isa siyang GMA artist na ginagamit ang pangalang Athena Madrid, pero mas kilala siya bilang si Rere Madrid.

May mga Marites namang nagsasabi na nasa intersting stage na diumano si Rere kaya’t nagdesisyon na itong magpakasal sa nobyo.

Pareho daw kasing member ng isang religious group ang dalawa at ayon sa tsika, “bawal mabuntis at magkaroon ng anak” ang mga members nito ng walang basbas ng kasal.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles