Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

63 timbog sa online investment scam hub sa Pasig

PASIG CITY – Nasara ng mga awtoridad ang hinihinalang malaking online investment scam hub sa Pasig City matapos ang cyber enforcement operation na pinangunahan ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG).

Arestado sa operasyon ang 63 indibidwal, kabilang ang isang 55-anyos na foreign national na kinilala sa alyas na “Boss,” na pinaniniwalaang may leadership role sa umano’y investment scam.

Isinagawa ang operasyon noong May 20 sa bisa ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data.

Katuwang ng PNP-ACG ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Department of Justice-Office of Cybercrime (DOJ-OOC), Securities and Exchange Commission (SEC), at Pasig City local government.

Ayon sa mga awtoridad, nadiskubre nila ang isang organisadong online operation na nagpapakilala bilang lehitimong call center at investment assistance company.

Sa imbestigasyon, hinihikayat umano ang mga biktima sa pamamagitan ng online advertisements at messaging platforms.

Pagkatapos nito, pinapasok umano sila sa trading scheme sa ilalim ng pangalang “XTRADE.”

May mga indibidwal din umanong nagpapanggap na financial advisers at patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga biktima para panatilihin ang deposits at pamahalaan ang account activity.

Lumabas din sa imbestigasyon na structured ang operasyon. May nakatalagang roles para sa online promotion, client engagement, at retention efforts, na lahat ay idinisenyo para magmukhang lehitimong investment activity.

Kinumpirma naman sa regulators na hindi rehistrado sa SEC ang mga entity na sangkot at wala silang authority para mangalap ng investment mula sa publiko.

Nag-ugat ang kaso sa maraming reklamo mula sa mga indibidwal na nag-ulat ng malaking financial losses matapos maengganyo sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na online messaging at mapanlinlang na investment presentations.

Kinumpirma rin ng mga awtoridad na ang foreign national na tinaguriang “Boss” ay may existing warrant of arrest mula sa Pasig City Regional Trial Court kaugnay ng multiple tax-related charges.

Isinilbi ang warrant laban sa kanya noong May 25 habang nasa custodial procedures.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang buong lawak ng operasyon at iba pang posibleng sangkot sa hinihinalang online investment fraud hub. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles