Sa nag-viral na post ni Sharon Cuneta kamakailan sa socmed kung saan makikitang kasama nito ang asawang si Sen. Kiko Pangilinan at yakap-yakap pa ang tiyuhing si Sen. Tito Sotto, nakatanggap ng backlash ang megastar.
Quoted dito ang isang pamosong linyahan ng isang American poet-author- writer na si Laurence Overmire na nagsasabing “to be on the right side of history, is to advocate for the rights and well-being of all people.”
Dinagsa ito ng mga komento na nagpapa-alala daw kay mega na galing siya sa isang political clan na noo’y naging sunod-sunuran sa diktador na si Marcos kaya’t hanggang sa mga panahong ito ay hinuhusgahan ng history bilang mga diktador at naging pasaway sa bayan.
May nagpa-alala pa kay mega na lehitimong “nepo baby” siyang matatawag lalo’t alam din daw sa history ng showbiz kung paanong ginamit ng noo’y nasa poder niyang “ama” ang powers nito para tagurian siyang megastar sa ngayon.
Hanggang makarating na ang isyu sa naging friendship niya sa mga Duterte partikular kay VP Sara hanggang kina Bongbong Marcos at asawa nitong si Liza, pati na ang sinasabi niyang ‘renewed bonding’ sa pamilya ng mga Sotto.
Marami din naman ang mga nagtanggol kay mega lalo na sa isyu ng pagiging ‘nepo baby’ nito, dahil kung anuman daw meron ngayon si mega ay dahil sa kanyang talent, skills, husay sa pag-arte at pag-awit at disiplina sa paghawak sa pera kaya’t legit na isa siyang bilyonaryo at kina iinggitan ng marami.
Naririto ang ilan sa mga naging “komento” ng netizen tungkol sa pinaguusapang post ni Sharon:
“You can’t change the past but you can still change the future. Kung hindi nyo pa din nakikita kung anong klaseng mga tao nasa majority of the Senate ngayon, wala na kong magagawa. May mga utak naman kayo na pwedeng gamitin.”
“Sa lahat ng nepo babies si Sharon ang nagtrabaho since 12yrs old siya at kumita ng milyones nung 16yrs old sya. Billionaire sa sipag at tiyaga niya. Top BIR payer yan ng ilang dekada kaya hindi siya TYPICAL nepo baby.”
“You have a valid point, pero I’m calling out Sharon for being balimbing according to what benefits her, not for the Filipino citizens.”
“Who gave the push para magka album and movies si Mega at a young age among all the stars in Ph? Syempre may backer and may influence from father to relatives na nasa politics.”
“Compare mo ang rise to fame nina Sharon & Nora Aunor.
Si Nora started from scratch—nanalo muna siya sa isang singing competition before becoming an icon + legendary actress. Meanwhile, si Sharon Cuneta, her breakthrough in showbiz was greatly helped by her connections and nepo privileges. She didn’t need to join contests or start as an extra in movies.”
“At kahit na Presidente pa ng Pilipinas ang backer niyan kung walang talent at appeal sa masa wala siyang mararating …malakas talaga karisma niya mapa sosyal na masa at ordinaryong mga masa kayat hanggang ngayon anjan pa din siya…samantalang mga ibang kasabayan niya noon tuluyan ng nalimot ng panahon….”
“Wala na kayong magagawa sa nangyaring HISTORY OF SHARON CUNETA. Walang bawian ’ika nga. Just accept what made her a MEGA STAR!”
“Lol. No matter how she started, she worked hard to go further. Di siya nakuntento sa pagiging ‘nepo baby’. Same with Kris Aquino. Mga may kaya pero marunong magtrabaho.”
“Tama ka naman.. Nepo baby does not always mean “bad”.. Pero to speak like an amnesiac??? Tatay niya was a Marcos crony and..too long to enumerate .
Besides, pera ng tatay niya ang nag-bankrollh muna sa pag start nya.. fortunately, she knows how to carry on positively so hwag discount ang possibility na malaki rin ang naitulong ng pagiging nepo baby niya.”
“I’m not a fan of Sharon. pero may mga movies niya na napapanood ko. in fairness magaling siyang actress, magaling na singer. she worked her way up to the top. magaling siyang magdala ng sarili nya. plastik man siya o hindi sa totoong buhay, she deserves all the blessings na nandyan sa kanya dahil pinagtrabahuhan niya yon.”


