Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

EDSA-Tramo flyover repair, sinimulan na

PASAY CITY – Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang repair works sa nasirang bahagi ng EDSA-Tramo Flyover sa Pasay City.

Sa isang pahayag, sinabi ng DPWH na agad iniutos ni Secretary Vince Dizon ang pagkukumpuni matapos makatanggap ng ulat tungkol sa nakausling semento sa pader ng flyover.

Ayon sa ahensya, kailangang ayusin agad ang pinsala para maiwasan ang aksidente at posibleng panganib sa publiko.

Nagsimula noong May 23 ang mobilization para sa safety setup sa lugar at tuloy-tuloy na ito mula noon.

Kinabukasan, sinimulan ang civil works sa pamamagitan ng pagtanggal ng concrete sa apektadong bahagi ng flyover.

Ayon sa DPWH, inaasahang matatapos sa loob ng tatlong araw ang repair works sa EDSA-Tramo Flyover.

Bahagi ito ng direktiba ni President Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking ligtas ang major roads sa bansa at mapanatiling maayos ang daloy ng trapiko para sa motorists at commuters.

Samantala, pinabibilis din ng DPWH ang clearing at dredging operations sa mga estero at kanal, pati ang pagpapalawak ng waterways sa buong bansa sa ilalim ng Oplan Kontra Baha.

Isinasagawa ito bago ang inaasahang pagsisimula ng rainy season sa susunod na buwan.

Tiniyak ni Dizon na magpapatuloy ang Oplan Kontra Baha sa low-lying at flood-prone areas para mapanatiling maayos ang daloy ng tubig at mabawasan ang matinding pagbaha tuwing tag-ulan.

Kabilang sa pangunahing tinututukan ng programa ang Metro Manila, Ilocos Region, Cagayan Valley, Tarlac, Naga City, at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Kasama rin sa focus areas ang Cebu, Iloilo, Bacolod, Cagayan de Oro, at Maguindanao, na madalas tamaan ng malawakang pagbaha taun-taon. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles