Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

‘Precautionary hold departure order,’ inilabas vs Marcoleta, 3 iba pa

Pinagbigyan ng Sandiganbayan nitong Martes ang hiling ng Office of the Ombudsman na maglabas ng precautionary hold departure order laban kay Sen. Rodante Marcoleta, dating kongresistang Michael Defensor, at businessmen Joseph Espiritu at Aristotle Viray.

Ang precautionary hold departure order (PHDO) ay inilabas matapos maghain ng verified ex parte application ang Ombudsman kaugnay ng mga kasong plunder, indirect bribery, at paglabag sa Presidential Decree No. 46.

Ang PD 46 ay batas noong 1972 na nagbabawal sa gift-giving sa public officers.

Ayon sa material, naisampa ang aplikasyon matapos maisama ang apat sa mga reklamong may kinalaman sa nasabing mga kaso.

Nauna nang inimbestigahan ng Commission on Elections ang umano’y campaign donations na natanggap ni Marcoleta, na sinasabing hindi niya nailahad sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures.

Tinatayang nasa P75 million ang naturang campaign donations noong January 2025.

Samantala, sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na iimbestigahan din ng kanyang opisina ang criminal information laban kay Sen. Jinggoy Estrada kaugnay ng plunder at iba pang offenses dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa flood control project scam. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles