Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

TNT, Ginebra 2-1 na sa PBA Commissioner’s Cup semis

Umabante sa 2-1 ang TNT at Barangay Ginebra matapos ang dikdikang panalo sa PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City nitong Linggo.

Si Roger Pogoy ang bayani nang pumasok ang tres sa huling 7.4 segundo na nagbigay sa TNT ng 77-75 panalo kontra Meralco kahit walang import.

Pumalya si Pogoy sa 10 sa kanyang unang 12 tira ngunit matapang na hinamon ang depensa ng mas matangkad na si Cliff Hodge at na-ibuslo ang pinakamahalagang puntos para  sa Tropang 5G.

May pagkakataon ang Bolts na maagaw ang laro ngunit sumablay si CJ Cansino sa isang drive at ganoon din si Bong Quinto sa kanyang putback attempt.

Si Chris McCullough ang napiling bagong import ng TNT kapalit ni Bol Manute Bol, na nagtamo ng left Achilles tendon injury sa unang bahagi ng Game 2 na ipinanalo ng Meralco, 87-76, noong Biyernes.

Si McCullough ang tumulong sa San Miguel Beer upang mag-kampyon sa 2019 Commissioner’s Cup.

Si Marcus Diouf ang unang inanunsyo ngunit hindi naasikaso sa oras ang mga dokumento.

“I think it’s our heart, really,” ani TNT coach Chot Reyes. “All of our discussions yesterday (Saturday) in practice, even before any kind of game planning and tactical discussion was just about setting our minds right, that we have a chance.”

Tulad ng Game 2, sa bandang huli humabol ang Ginebra at pinigilan ang paghabol ng Rain Or Shine para sa 103-98 panalo sa harap ng13,524 fans.

Nasa alanganin ang Gin Kings sa halftime, na kinuha ng Elasto Painters, 56-48. Umabot pa sa 13 puntos ang lamang habang umiinit ang laro ni Andrei Caracut para sa ROS.

“We just told our guys to keep battling,” ani Ginebra coach Tim Cone.

Sa pangunguna ni Scottie Thompson, nagpakawala ang Ginebra ng 29-12 ratsada sa third quarter upang maagaw ang kontrol, 77-68. Lumobo pa sa 16 puntos ang kanilang kalamangan bago gumawa ng huling pagsubok ang Rain or Shine.

Muntik nang makapagtala si Justin Brownlee ng triple-double matapos umiskor ng 24 puntos, siyam na assists at walong rebounds habang nagdagdag naman si RJ Abarrientos ng 17 puntos, limang assists at tatlong rebounds.

Gaganapin ang Game 4 sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City sa Miyerkules.

The scores:
First Game
TNT 77 – Nambatac 18, Oftana 15, Heading 12, Pogoy 9, Ganuelas-Rosser 8, Aurin 5, Khobuntin 5, Williams 3, Galinato 2, Ferrer 0, Chua 0, Quitevis 0.
MERALCO 75 – Jones 22, Newsome 10, Mocon 8, Cansino 8, Brickman 7, Black 5, Rios 5, Hodge 4, Banchero 4, Quinto 2, Bates 0.
Quarters: 20-16; 43-34; 55-59; 77-75

Second Game
GINEBRA 103 – Thompson 25, Brownlee 24, Abarrientos 17, Holt 11, Rosario 9, Gray 7, J. Aguilar 7, Cu 3, Pinto 0, Go 0, Torres 0.
RAIN OR SHINE 98 – Tiongson 23, Johnson 23, Nocum 17, Caracut 15, Mamuyac 7, Clarito 5, Asistio 3, David 3, Malonzo 2, Santillan 0, Manaytay 0.
Quarters: 27-30; 48-56; 77-68; 103-98

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles