Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

P234M marijuana, winasak sa weeklong PNP ops sa Cordillera

CORDILLERA – Mahigit P234 million halaga ng marijuana ang winasak ng Philippine National Police (PNP) sa weeklong anti-illegal drug operations sa Cordillera mula May 18 hanggang 24.

Ayon sa PNP, isinagawa ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) ang pinaigting na operasyon sa Kalinga at Benguet.

Batay sa reports na isinumite sa PNP national headquarters, 11 marijuana eradication operations ang naisagawa sa loob ng isang linggo.

Umabot sa 1,140,000 fully grown marijuana plants ang winasak ng mga operatiba.

Tinatayang nasa P234,210,800 ang Standard Drug Price ng mga na-eradicate na marijuana plants.

Ayon sa PNP, ipinapakita ng operasyon ang tuloy-tuloy na pagtutok ng law enforcement laban sa illegal drug activities, lalo na sa marijuana cultivation sa remote areas.

Patuloy na tinututukan ng mga awtoridad ang mga liblib na lugar sa Cordillera na ginagamit sa marijuana cultivation. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles