Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

TNT-Meralco, Ginebra-ROS babasagin ang Commish Cup semis tie

Muling magtatapat sa Game 3 ng PBA Commissioner’s Cup semifinals sa Mall of Asia Arena sa Pasay City ngayong Linggo ang TNT at Meralco at Barangay Ginebra at Rain Or Shine.

Una ang TNT-Meralco simula 5:15 p.m. at susundan ng Ginebra-ROS simula 7:30 p.m.

Hangad ng Bolts na sundan ang kanilang 87-76 panalo noong nakaraang Biyernes na bumawi sa kanilang 89-94 pagkatalo sa Game 1 ng best-of-seven duel.

Bentahe sa Bolts ang adjustment ng Tropang 5G sa bagong import na si Malick Diouf, isang naturalized Filipino.

barangay ginebra import brown lee at dating TNT import Bol Manute Bol (mula sa PBA)

Kinailangang palitan si Bol Manute Bol na hinihinalang may punit sa kaliwang Achilles tendon, natamo noong huling 2:38 ng first period ng Game 2.

Subalit hindi pa tiyak kung makakalaro agad ang 6’11 na si Diouf o kailangan pa niyang maghintay hanggang Game 4 sa Miyerkules.

Ayon sa patakaran ng liga, may mga kailangan na dokumento, tulad ng special working permit mula sa Bureau of Immigration at Games and Amusements Board license.

Ayon kay Tropa coach Chot Reyes, kailangan isama sa konsiderasyon ang pag-adjust sa estilo ng laro sa PBA, sa sistema ng TNT at sa kanyang mga kakampi.

“That’s going to be very difficult,” pag-amin ni Reyes.

“Even if we can fly anyone in, which we don’t know who that is now, the earliest they can come in is, what, Sunday morning? He’s going to battle jet lag, unfamiliarity, doesn’t know what we’re doing.”

Nakuha ng Elasto Painters ni coach Yeng Guiao ang Game 1, 115-111.

Gumanti naman ang Gin Kings ni coach Tim Cone sa Game 2, 109-101.

“It was really Rain Or Shine’s style,” ani Cone. “They kept the pace up, wore us down and gave themselves a chance to win in the fourth.”

Umasa si Cone sa siyam na manlalarong rotation, kung saan mabibigat na minuto ang nilaro nina Justin Brownlee, RJ Abarrientos, Scottie Thompson, Japeth Aguilar, Stephen Holt at Troy Rosario. Nagbigay naman ng pansamantalang pahinga sina Jeremiah Gray, Nards Pinto at Ralph Cu.

Si Brownlee, na may iniindang hamstring injury, ay naghatid pa rin ng 31 puntos, 15 rebounds at 8 assists. Nakapagtala siya ng 13 puntos sa first quarter habang binago ng Ginebra ang 5-12 deficit tungo sa 33-20 run, na nagpalaki ng lamang sa 24 puntos, 62-38.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles