Masaya ang muling pagkikita nina Drama King Dennis Trillo at Action Prince Ruru Madrid sa story conference ng bagong action-drama series na pagsasamahan nila sa GMA 7.
“Masarap na reunion ito. Kapwa mahuhusay, magagaling umarte, may huge following at certified mga Hari ng Kapuso network..must be a very special and interesting follow up ito sa award-winning movie na nagsama sila,” komento ng mga GMA 7 executives na matagal na palang naghahanap ng project para sa muling pagsasama ng dalawa sa prized talents ng network.
“What a great tandem they’ve shown us in Green Bones. Halos nakuha lahat ni Dennis ang Best Actor plum sa halos lahat ng award-giving bodies since he won the 2024 MMFF. Sobra ding recognition ang nakuha dun ni Ruru, so might as well have them together back in a project na pang-TV naman, so we are giving this Hari ng Tondo to them,” dagdag pa ng mga top executives sa naturang story conference.
Sa naturang story conference para sa serye, humanga ang dalawang aktor sa ganda ng kuwento pati na sa mga challenges na haharapin nila sa kanilang mga roles.
“Feeling ko dito, mas makaka-relate ‘yung mga makakanood sa mga characters namin, hindi lang sa ‘kin kundi pati sa mga characters ni Ruru at sa mga ibang artista dito. Espesyal ito dahil kahit minsan lang kaming magkatrabaho ni Ruru, paniguradong pinaghahandaan,” lahad ni Dennis.
“Noong natutunan ko pong kilalanin sila at aralin po kung papano ba ang pamumuhay sa Tondo, na-realize ko na ganoon pala talaga sila kalalim na tao,” kuwento naman ni Ruru na agad daw na nagkaroon ng immersion tungkol sa buhay Tondo.
Bukod kina Dennis at Ruru, bahagi rin ng serye sina Rocco Nacino, Ryza Cenon, Ysabel Ortega, Elle Villanueva, Arra San Agustin, Victor Neri, Nonie Buencamino, at Isko Moreno.
Si Enzo Williams naman ang magsisilbing direktor ng serye.
“Is this your response to Coco Martin’s ‘Batang Quiapo’ action-drama series that run for years on TV?,” tanong ng BISTADO sa nasabing story conference.
“Well, it has its own flavor of course. Iba ang Quiapo, iba ang Tondo. In the previous years naman, may mga gayang shows na or projects for movies that delve on the said subject matter. Kaya lang pag series na kasi, mas nagiging grand. Ang daming back stories ng mga interesting characters and of course, mas ginagawang updated, at abreast with time. The good thing is, we have both actors who have already proven their mettle for the said genre. Tapos yung production, the story, director and the whole cast members. Ibang iba pero pinoy na pinoy,” paliwanag ng GMA 7 executive.
Inaasahang magsisimula itong ipalabas sa GMA 7 at iba pa nitong platform anytime soon.


