Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Boots Anson Roa-Rodrigo, “GRATEFUL” book, inilunsad

Sa imbitasyon ni Wilson Flores ng The Old Kamuning Bakery ay nakausap ng BISTADO ang isa sa mga icon at mahuhusay at matatatag na lider ng showbiz industry na si Ms. Boots Anson Roa-Rodrigo.

Sa inilunsad na librong “GRATEFUL” na siya rin ang may akda, nilalaman nito ang mga karanasan, mga pambihirang kuwento, mga panayam at iba pang mga saloobin niya sa kasaysayan ng showbiz industry sa loob ng mahigit sa pitong dekada niya rito. Kasama rin dito ang mga istorya tungkol sa kanyang pamilya, mga leksyon sa buhay, faith, at serbisyong pampubliko.

Simula nang siya’y maging isang TV host noong 1960’s hanggang sa pasukin niya ang pelikula noong 70’s, nakagawa na ng mahigit isang daang projects ang magaling at pinagpipitaganang aktres.

mga kuha ng BISTADO sa media launch ng GRATEFUL book ni Ms. Boots Anson Roa-Rodrigo kasama sina QC Mayor Joy Belmonte, dating Sen. Nikki Coseteng, Sen. JV Ejercito, Ms. Bibeth Orteza at Wilson Flores

Sa dami na rin ng kanyang mga karangalan bilang isang mahusay na aktres, isa pa rin si Ms. Boots sa mga mangilan-ngilan na lang na beteranang taga-sining na matagumpay na nakakapag-cross over sa ibang medium mula sa TV, movies, radio, print, vlogs, podcast, entablado at mga cause -oriented projects ng gobyerno man o mga pribadong grupo.

Nagsisilbi din siyang lider ng industriya dahil sa mga gawain niya sa MOWELFUND,  (Movie Workers Welfare Foundation, Inc. ) na nagbibigay suporta at ayuda sa mga taga-industriya lalo na yung mga nasa likod ng mga kamera at produksyon.

“I always have great fascination and interest on writing and reading. Isa iyan dapat sa mga gawain ng isang indibidwal na hindi dapat na mawala o balewalain dahil ibang karanasan, aral at sinasalamin din ng mga iyan ang iyong pagkatao at kung ano ka noon at saan ka pupunta bukas,” paglalahad ng awtor ng GRATEFUL.

Kaya daw naisipan niyang gamitin ang naturang pamagat para sa nasabing libro dahil yun umano ang salitang pinaka-angkop at nararapat gamitin para sa lahat ng mga blessings at mga bagay-bagay na kanyang naranasan sa loob ng mahigit seven decades niya dito.

“I could never be grateful enough. This has been my life and here is where I exist,” dugtong pa ng premyadong aktres-lider.

Ang naturang book launch ay follow up sa naging grand launch nito noong ika-81 niyang kaarawan na ginanap naman sa Club Filipino sa Greenhills noong January, 2026.

Ang 200-page autobiography ay kanyang sinulat kasama si Jennie Leuterio Ilustre, at ang malilikom na pondo mula sa mga benta ng libro ay mapupunta sa MOWELFUND na may layuning makatulong sa mga benepisyaryong media workers.

Dumalo rin sa naturang memoir book launch si Quezon City Mayor Joy Belmonte kasama sina Senator JV Ejercito, former Senator Nikki Coseteng, District 4 Rep. Bong Suntay, Bibeth Orteza, at mga imbitadong kasapi sa media.

Idinaos ito sa Pandesal Forum sa Kamuning Bakery Cafe nitong Sabado, May 23.

Ibinahagi naman ni Mayor Joy ang nalalapit na pagbubukas ng Pambansang Museo ng Pelikulang Pilipino na proyekto ng Lokal na Pamahalaan at MOWELFUND na matatagpuan sa QCX Museum ng Quezon Memorial Circle.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles