Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Registration para sa libreng kapon sa Pasig, bukas na

Bukas na ang registration para sa CaSpay Fridays ng Veterinary Services Department of Pasig City, isang libreng kapon program para sa lalaking puspin at aspin.

Sakop ng registration ang schedules sa May 22 at 29, 2026.

Bago mag-register, pinaalalahanan ng Veterinary Services Department ang pet owners na basahin muna ang criteria, requirements, at instructions sa post bago i-click ang registration link.

Paalala rin ng opisina: “One pet per household per day lamang po ang irehistro.”

Ayon sa criteria, lalaking alaga lamang ang tatanggapin. Dapat nasa 8 months hanggang 5 years old, walang sakit o masigla, at updated ang bakuna.

Kailangan ding hindi expired ang bakuna, may cage ang alaga, at napaliguan ito bago ang schedule ng kapon.

Isang companion lang ang pinapayagan kada pet. Dapat residente ng Pasig ang pet owner at may dalang isang valid ID sa araw ng schedule.

Pagkatapos makapag-register, maghihintay ang aplikante ng text mula sa Veterinary Services Department.

“Once na makapag register po, antayin lamang ang aming text para sa mga qualified na nag register. Pag hindi po na text ibig sabihin po ay disqualified o hindi kumpleto ang inyong pag register.”

Mahahanap ang registration link sa Facebook page ng Veterinary Services Department of Pasig City. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles