Sa grand mediacon ng “Project Baby,” na ginanap noong Sabado (May 16), sa Eastwood Mall, kung saan naimbitahan ang BISTADO, tahasang inamin ng bidang babae sa movie na si Sue Ramirez, na hindi siya nahihiyang umamin na handa na siyang maging “ina” kahit wala siyang asawa.
Ang tema kasi ng movie ay sumentro sa karakter niya bilang isang trentahin na at nagnanais magkaroon ng anak at hindi ng asawa.
“Kaya Project Baby ang title dahil yun ang sentro ng story at yung mga kaakibat na issues. But somehow, somewhere, pumasok yung usapin sa emotions and love, kaya marami ding what ifs and not,” kuwento ni Sue, na first time makakatrabaho ang rock icon na si Rico Blanco, bilang kanyang leading man.

Pero sa totoong buhay nga daw ay ready na si Sue sa ganung bagay dahil bilang “tita-nanay” na din siya para sa kanyang mga pamangkin, “I think I am ready to be one,” saad pa ni Sue.
Dagdag pa niya, “gusto kong magpalaki ng anak gaya ng naranasan ko sa parents ko. In today’s time, marami na talagang mga bagay at paraan kung paano maging isang parent.”
“Paano kung gaya ng movie role niya ay hindi rin niya gustong magkaroon ng asawa? Okey pa rin ba sa kanya?,” susog na tanong ng BISTADO sa magandang aktres.
“Like what I have said, marami na pong ways and means sa panahong ito. Kung mangyayari sa akin yung role ko sa movie sa real life, I don’t see any wrong in it. Walang magiging isyu dahil gusto at handa na akong maging ina,” hirit pa nito.
At dahil alam naman ng buong showbiz na ang guwapong aktor na si Dominic Roque ang kasalukuyan niyang boyfriend sa ngayon, sinagot din nitong, “I think he is going to be a great and good dad. Kung mabubuntis niya ako, walang problema.”
“Kailangan na nating kumilos at gumalaw-galaw para mangyari iyan,” seryoso pa nitong sambit.
Showing na ang Project Baby ngayong June 10 sa lahat ng sinehan nationwide.
Produced ito ng Regal Entertainment sa panulat ni Joey Reyes at sa direksyon ng award winning actor na si Eric Quizon.
Ito rin ang kauna-unahang lead role ng rock icon and musician na si Rico Blanco, na noon pa pala pangarap maging isang full-fledged actor at komedyante.
Kasama din sa cast ng Project Baby sina Matt Lozano, Arra San Agustin, Alex Calleja, Yasser Mata, Kimson Tan, Christian Ty, Charuth, Drei Arias, Jonathan Perez, Jazzil Sarinas at ang napakaganda pa ring si Ms. Alice Dixon.


