Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Bela Padilla, iniiwasang madikit ang name kay Sen. Robin Padilla?

Mabilis na naglabas ng kanyang paglilinaw si Bela Padilla na kahit kailan ay never siyang nangi-alam sa mga prinsipyo o laman ng saloobin ng kanyang tiyuhing Senador na si Robin Padilla.

Kilalang very vocal at laging may sinasabing opinyon ang aktres-direktor tungkol sa mga isyu ng bayan, subalit kahit kailan ay hindi niya umano ginamit ang pagiging kaanak ng mga Padilla para manghikayat o mam-bash ng iba.

“I am entitled to my own opinion, my own principles and I have the medium to air them. Kami naman sa pamilya, na noon pa involve sa politics at may mga kaanak na naging public servants, ay hindi naman talaga beholden sa paniniwala ng isa o ng lahat. We have this principle or existing agreement to manage to agree to disagree,” paliwanag ng magandang aktres.

Maraming netizen kasi ang bumabatikos sa aktres kung bakit sobra daw itong open na mambatikos gaya kay Sen. Bato dela Rosa, gayung sa mga kaganapan daw ngayon sa pulitika ay mismong ang kaanak niyang si Robin ang isa sa mga pangunahing tumutulong dito.

Kahit nga sa latest na insidente sa Senado ay lutang na lutang si Sen. Robin bilang nagsisilbing tila “protector” ni Sen. Bato na umiiwas sa ‘warrant of arrest” na inisyu ng ICC. “Growing up, my tito Robin was kind to me and my family. I will be forever grateful for this,” sagot ni Bela na nagkuwento pang simula ng pasukin din niya ang showbiz ay hindi na sila gaanong nagkakausap ng tiyuhin, much more ay nag-iba na din ang kanilang mga karera, lalo na ng pumasok ang huli sa politics.

Hindi na rin daw sila nagkakasama sa anumang okasyon lalo na ng magkaroon sila ng magkasalungat na paniniwala sa kanilang mga ideolohiya.

“Our ideologies also differed. I do not live close to my uncle.” hirit pa ni Bela.

At nitong nagkasama daw sila sa isang action-drama series sa ABS-CBN na “Blood vs Duty,” marami din ang nagtatanong kung ano ang kinalaman ng aktres-direktor dito?

“Nothing. As i wala po. I don’t have such powers to influence or employ any para sa casting or pagkuha sa kanya. It’s the production that decides. I am also an actress na binabayaran din nila para gawin ko yung part ko,” dagdag pang paliwanag ng aktres.

Sa simpleng tanong kung may effort ba na iwasan niya ang tiyuhin o huwag madikit ang kanyang name dito?

“That’s absurd naman po. Walang ganun. Gaya ng kahit sino, may sari-sarili po tayong paninindigan at prinsipyo sa buhay. It’s just that sa mga panahong ito, mukhang nasa magkabilang dulo ng political spectrum nga kami,” lahad pa ng aktres.

Kapatid ni Mrs. Eva Carino, nanay ni Robin ang lola sa motherside ni Bela, kaya’t tiyuhin niya itong lumalabas. Ang kanyang ina ang direktang “first cousin” sa side naman ng nanay ng Senador.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles