Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Dimples Romana at asawa, nasa Spain na; pamilya ni Vincent, posibleng gumawa ng legal na hakbang?

Sa gitna pa rin ng napakaraming mga ulat at socmed threads hinggil sa isyu ng kasal nina Bea Alonzo at Vincent Co sa Spain ay lumabas at naka-post sa IG account ni Dimples Romana ang Spain trip nila ng asawa.

Nito lamang Martes, May 12 ay kumalat sa socmed ang mga larawan nina Dimples at asawa nitong si Boyet Ahmee.

Kilala sa mundo ng showbiz ang pagiging malapit na magkaibigan nina Bea at Dimples, pati ng katropa nilang si Angel Locsin.

Wala namang sinasabi ang naturang post ni Dimples maliban sa makikitang background nilang mag-asawa ang tila isang ‘church’ sa isang parte ng Spain at tila nag-eenjoy din sila.

Unlike sa naglabasang photos ng pamilya ni Bea na nasa airport sa Spain, yung post ni Dimples ang mukhang pinag-uusapan at binibigyan ng kahulugan na ‘matutuloy’ ang kasalang Bea-Vincent anytime soon.

Subalit sa latest news na inilabas ng ilang showbiz outlets ay tila may kumpirmasyon na ngang imposible na itong mangyari lalo’t kung saan-saan na daw napunta ang usapin.

May mga unconfirmed sources and reports ding nagsasabi na baka nga adaw mauwi pa sa legal action ang mga pangyayari sa pagitan ng mga handlers ni Bea at pamilya ni Vincent na na-drag sa isang pangit na kontrobersya.

Anila ay nalagay sa negative side ang pamilya Co nang dahil sa mga usapin sa ‘prenup agreement.’

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles