Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

3 timbog, P34M shabu nasamsam sa Zamboanga City

ZAMBOANGA CITY – Arestado ang tatlong lalaki at nasamsam ang humigit-kumulang P34 million halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Zamboanga City noong Tuesday, ayon sa police.

Kinilala ang mga naaresto sa alyas na “Kasmir,” 32, ng Barangay Talon-Talon, Zamboanga City; “Adong,” 32, ng Bongao, Tawi-Tawi; at “Ardison,” 40, ng Jolo, Sulu.

Sa report nitong Wednesday, sinabi ni Col. Narciso Paragas, deputy regional director for operations ng Police Regional Office in the Zamboanga Peninsula, na naaresto ang mga suspect bandang 4:30 p.m. sa basement parking lot ng isang local mall sa Barangay Zone 4.

“Operatives from different police units successfully conducted a joint anti-illegal drug buy-bust operation that resulted in the arrest of the suspects,” ani Paragas sa kanyang report.

Narekober mula sa mga suspect ang limang kilo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa limang vacuum-sealed plastic bags.

Nasamsam din ang buy-bust money, isang pickup truck, at iba pang non-drug evidence.

Napansin ng operatives na may nakalagay na “666” numerical marking sa plastic bags na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspect habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy naman ang imbestigasyon para matukoy ang lawak ng operasyon ng mga suspect at ang posibleng koneksyon nila sa iba pang grupong sangkot sa illegal drug trade. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles