Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Bea Alonzo, mag-isang bumiyahe sa Spain?, pamilya, nag-eenjoy

Naging usap-usapan last weekend ang lumabas na photos ni Bea Alonzo na nasa isang international airport at hindi dito sa Pilipinas.

Mabilis na kumalat ang balita na solo flight itong bibiyahe na ini-expect ng lahat na papuntang Spain, kung saan siya balitang ikakasal this third week of May.

Batay sa mga naglabasang tsika, nanggaling nga si Bea sa Thailand kung saan naman siya nag-shoot ng commercial endorsement para sa isang produkto na nakatakdang ilabas this year.

Kasabay niyan ay naglutangan din sa bansa ang mga tsismis na diumano’y may urong-sulong na kasalan dahil sa ilang mga stipulations sa prenup agreement nila ni Vincent Co na inayawan diumano ni Bea.

Ilang nga dito ang tungkol sa pagsasama sa iisang bubong kasama ang buong pamilya ni Vincent at ang nakakalokang item na mapupunta ang custody ng mga anak nila kay Vincent in case na sila’y maghiwalay.

Ang mga ito’y pawang spekulasyon lamang at wala ngang makapagsalita kung ano nga ba ang mga katotohanan sa tsismis na ito.

May mga nagbalita ding ang malalapit na kaibigan ni Bea ay nag-kansela na ng flight nila papuntang Spain dahil nag daw sa isyu.

Subalit nitong Lunes naman, May 11 ay nagkalat din sa socmed ang mga pictures ng pamilya ni Bea na nasa Spain at tila nag-eenjoy doon. KUng magbabakasyon na lang daw sila dahil wala ng magaganap na kasalan o may kasalan pang magaganap at malalaman na lang daw natin soon.

Kahit ang post ni Dimples Romana kasama ang kanyang asawa na nasa airport ay nag-viral din dahil hudyat daw yun na papunta na nga rin sa Spain o baka nasa airport na din ng Spain ang mag-asawa. 

Isa si Dimples sa mga matatalik na kaibigan ni Bea sa showbiz.
Abangan dito sa BISTADO ang mga susunod na balita.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles