Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Vice Ganda, nakabawi sa bagong show

Matagal ng alam ng showbiz na isa na nga si Vice Ganda sa mga in house talents ng It’s Showtime na naglagay ng kanyang puhunan para lang magtuloy-tuloy ang programa.

Simula kasi ng mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN kung saan ito umeere at tinatangkilik ng milyon-milyon nitong viewers, naapektuhan ng husto ang advertising revenue nito.

Dahil dito, balitang nag-chip in ng kani-kanilang shares ang ilan sa mga “super milyonaryong” talents nito sa pangunguna ni Vice Ganda para lang magpatuloy ang show at hindi mawalan ng trabaho ang mga nasa produksyon at patuloy na magbigay saya sa mga tao.

At dahil well-advised naman si Vice ng kanyang mga business managers, kasama na si boss Vic del Rosario ng Viva Entertainment, muling binuhay ng mahusay na aktor-host ang weekend game show niyang “Everybody Sing.”

Bilang pinaka-producer ng show, siya din ang main host nito kasama ang mga jesters na comedian-talents niya na tuwing Sabado at Linggo ng gabi nagbibigay ng chance sa mga grupo ng ordinaryong mga tao para manalo ng one million pesos.

Simple lang ang mechanics ng game dahil mga lyrics lang ng kanta o title ng songs ang dapat na mahulaan ng tama. Lahat ng 100 tao ay hindi magkakalaban kundi magkakampi para makuha ang pot money through their correct answers.

Nag-vary ang mga grupo mula sa mga tindera sa palengke, mga drivers, single paretns, LGBTQ members at iba pang mahahalaga at malalapit na sektor kay Vice.

Ang balita, tila mabilis na nakabawi ng puhunan si Vice dahil agad itong nagkaroon ng mga advertisers at sponsors na naka-kontrata ng isang buong season at kering-keri mag-renew para umabot pa ng ilang season.

Kumpara daw sa It’s Showtime, less ang gastos, ang pagod at stress sa naturang show at mabilis pa ang return of investment.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles