Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kim Domingo, inintrigang “fake” ang Thai bf?

Hindi na napigilan pa ni Kim Domingo na magbigay ng kanyang panig sa naging pag-aakusa sa kanya ng kung ano-ano sa social media, partikular na ang “blind item” na pinakalat ng isang blogger.

Hindi man pinangalanan ng blogger na si Xian Gaza ang seksing aktres, ang lahat naman ng ‘clues’ na ibinigay nito ay direktang nagtuturo at tumutukoy kay Kim Domingo kaya’t napakadali ding nahulaan ng netizen.

Sa napakahabng post ni Kim sa kanyang social media account na FB ay ikinuwento niya kung bakit madalas siyang nagpupunta sa Thailand. Sa “b.i” kasi ni Xian ay sinabi nitong sa naturang bansa daw madalas magtagpo diumano ang isang seksing aktres at ang kanyang “sponsor” na isang pulitiko.

Sa paliwanag ni Kim ay sinabi nitong ang kanyang Thai boyfriend na itinago lamang niya sa initials na “J.I.” ang rason kung bakit lagi siyang nasa Thailand, kung paanong kapag may trabaho naman siya sa TV o movies ay ang Thai bf naman niya ang nagpupunta sa Pilipinas.

Sa naturang post ni Kim ay sinabi nitong itinago niya ang naturang pribadong parte ng kanyang lovelife dahil na rin daw sa mga nangyari sa kanya in the past.

Bukod sa mga kaibigan at pamilya, ang mga nakaka-trabaho daw niya ang nakakakita o nagiging saksi sa kung paano nila na-maintain ng kanyang Thai bf ang ganung set-up sa loob ng tatlong taon.

Kalauna’y ini-address niya ang blogger na tinawag niyang “Mr. Xian” na mas maging maingat sa pagbabalita at pagbibigay ng mga mapanirang paglalahad sa publiko tungkol sa mga gaya niyang celebrities na nais lamang magkaroon ng tahimik at matiwasay na pribadong buhay kahit paano.

Samantala, may mga netizen namang naki-simpatiya kay Kim na huling napanood sa Ang Probinsyano series sa Kapamilya channel, kahit mas nakilala siya bilang isang Kapuso artist.

May mga ilang bashers ding nagsasabi namang baka ‘guilty’ diumano ang sexy actress kaya’t agad itong nagpaliwanag sa socmed kahit hindi naman siya pinangalanan sa blind item.

May iba ngang iniintriga pa siyang baka daw “fake lang” o nabayaran ang naturang Thai bf gaya ng mga napapanood sa mga series.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles