Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

BISTONG KAPALARAN – MAY 9

♈ Aries (March 21–April 20): Hindi mo kailangang maging pinakamalakas sa kwarto para ikaw ang sundin. Ngayon mas nakaka-impress ang marunong magpigil at makinig. May usapan sa trabaho o pamilya na aayos dahil pinili mong hindi pumatol agad.  

♉ Taurus (April 21–May 21): Mabagal ang takbo ng plano mo pero hindi ibig sabihin mali ang direksyon. May reward sa consistency mo na hindi pa lang nakikita ngayon. Kapag hindi ka sumuko ngayong linggo, may malaking shift na paparating sa pera o career.  

♊ Gemini (May 22–June 21): Pagod ka na sa pagiging available para sa lahat. Ngayon kailangan mong piliin ang sarili mo. Kapag binalik mo ang confidence mo sa dating level nito, may tao o opportunity na kusang lalapit sa’yo.  

♋ Cancer (June 22–July 22): May old friend o dating connection na muling magpaparamdam. Hindi ito random timing. May kailangan kayong pag-usapan na dati hindi pa handang ilabas. Mas emotionally mature ka na ngayon kaya mas malinaw ang magiging usapan.  

♌ Leo (July 23–August 23): Hindi lahat ng charm effective sa misteryosong tao. May isang connection ngayon na hindi basta nagpapadala sa confidence mo. Imbes na pilitin, maging curious ka. Doon magsisimula ang mas interesting na dynamic.  

♍ Virgo (August 24–September 22): Yung hobby o passion project na akala mong “pang libang lang” pwedeng maging seryosong source ng kita. Huwag mong maliitin ang talent na natural sa’yo. Mas malapit ka na sa breakthrough kesa inaakala mo.  

♎ Libra (September 23–October 23): Ikaw ang taga-ayos ng gulo ngayon. Pero hindi ibig sabihin ikaw lagi ang mag-aadjust. Kapag ginamit mo ang pagiging diplomatic mo nang hindi sinasakripisyo ang sarili, mas rerespetuhin ka ng mga tao sa paligid mo.  

♏ Scorpio (October 24–November 22): Hindi mo kailangang pareho kayo ng pananaw para magmahal o magkasundo. Sa pamilya o relasyon, ang differences ninyo ang nagbibigay ng lalim ngayon. Pero double-check mo ang detalye sa pera o documents dahil may maliit na bagay kang muntik nang ma-miss.  

♐ Sagittarius (November 23–December 21): Nasa pagitan ka ng comfort at excitement. May relasyon o sitwasyon na stable pero hindi ka na totally fulfilled. Huwag kang matakot tanungin ang sarili mo kung masaya ka pa ba talaga o sanay ka na lang.  

♑ Capricorn (December 22–January 20): Kailangan mo ng space para luminaw ulit ang isip mo. Kahit simpleng lakad o oras mag-isa malaking tulong ngayon. Kapag tumigil ka sa sobrang pag-control sa lahat, mas lalakas ang intuition mo sa next move.  

♒ Aquarius (January 21–February 18): Weird ideas mo ang magiging advantage mo ngayon. Habang ang iba takot sumubok, ikaw ang may chance mauna. Kung may competition, pitch, o audition, huwag mong itago ang originality mo.  

♓ Pisces (February 19–March 20): Hindi ka mapapakali hangga’t hindi mo naaayos ang isang emotional issue. May relationship na kailangan ng honesty, hindi silent treatment. Kapag pinili mong maging open kaysa magtanim ng sama ng loob, mas mabilis babalik ang closeness.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles