Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ralph de leon, biglang umingay ang pangalan

Nang dahil sa katatapos na Miss Universe-Philippines 2026 ay muling umingay ang pangalan ni Ralph de leon.

Huli ngang narinig ang name ng aktor-host nang ito’y mapabilang sa PBB Celebrity Collab edition ng Kapamilya at Kapuso artists, kung saan pumasok ang duo nila ni Wil Ashley sa big four the finals.

Certified Kapamilya actor-host-model si Ralph na isang Ateneo de Manila University graduate at kilala ding achiever at medallist sa judo sport. Minsan na din siyang naging host ng Miss Universe-Philippines pageant, pero nitong huli lang siya sobrang napag-usapan.

“It took a simple microphone for people to take huge notice of him,” sey ng netizen na aliw na aliw sa halos ilang beses na pag-hello at paglaro-laro ni Ralph sa microphone noong gabi ng finals ng Miss Universe-Phils. 2026.

Siya kasi ang natokang mag-introduce sa outgoing Miss Universe-Phils. na si Ahtisa Manalo, pero nung nasa gitna na siya ng stage kasama ang mga kalahok ay nag-malfunction nga ang audio ng kanyang microphone, pinalitan, at muling pinalitan, subalit hindi pa rin ito gumana.

Kaya naman habang nasa stage siya ay naisipan niyang makipaglaro na din sa huge audience ng MOA  Arena na gustong-gusto naman ng lahat.

“Imbes na mahiya, pagtawanan o gawing palpak ang technical difficulty, nagkaroon ng guwapong jester  na nakipag-banter ng bongga at na-admire ng mga tao,” hirit ng mga netizen.

“In moments like that, dapat talaga mabilis ang utak mo. By making the live audience livelier and more alive, Ralph simply did his job well,” komento pa ng netizen.

Nang dahil sa naturang insidente, mas pinag-usapan nga siya kumpara daw sa halos isang daang mga tao na pinasalamatan ni Ahtisa Manalo na inilarawan nga ng marami na, “what a boring farewell speech.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles