Kung pagbabasehan ang naging palitan ng mensahe sa Instagram, masasabing obviously ay ‘bet na bet’ ni megastar Sharon Cuneta ang boyfriend ni Frankie Pangilinan na si Daniel Laurel.
Pinag-uusapan kasi ang naging kyut na komento ni mega sa naging birthday greetings ng anak na si Frankie kay Daniel o Dan.

“Happy birthday to the rumored boyfriend of Frankie Pangilinan” ang nakakaaliw na caption na ginamit ni Frankie sa IG post niya kung saan kalakip nito ang ilang photos ng binata bilang bahagi ng kanyang birthday greetings sa boyfriend.
Marami namang netizen ang nagsasabi na knowing Sharon na madali ding kiligin sa mga ganun, ay sure silang kinilig ito sa kakaibang birthday greetings ng anak kaya agad din itong nagkomento sa nasabing IG post ni Khakie.
Narito ang nasabing comment ni Megastar sa comsec, “Happy birthday to the alleged boyfriend of my 2nd baby! Love you!”
Na agad namang sinagot ni Dan ng, “thank you so much tita! allegedly love you too”
Nang dahil sa naturang exchange of messages sa socmed ng tatlo, nagmistula nga daw na nagbabasa sila ng isang love series. Marami ang kinilig, naaliw at nagbigay ng mga heart and love emojis.
Kaya naman nakapag-conclude ang majority na halatang-halata nga raw na botong-boto ang aktres sa nobyo ng anak niya.
Maging ang isa pang anak nina Sharon at Senator Kiko Pangilinan na si Miel Pangilinan ay nakisali na rin sa sagutan nina Mega, Frankie at Dan.
Inulan din ng mga papuri ang binata dahil sa pagiging sweet nito sa future mother-in-law niya.
“Green flag si Dan! He knows how to make the mother/family of the girlfriend happy.”, komento ng netizen na hangang-hanga sa binata. At dahil marami ang humanga kay Dan, super follow na rin ang fans sa socmed account ng bf ni Khakie.
Samantala, si Dan ay nagmula sa pamoso at prominenteng angkan ng mga Laurel. Schoolmate at kaibigan daw ito ng pinsan ni Frankie na si Donny Pangilinan na siyang naging tulay para makilala ng binata ang 2nd child ni Sharon.
Hindi naman ma-check na usiserang netizens ang socmed account ni Dan dahil naka private ang setting ng IG ng binata.


