In high spirits si direk Johnny Manahan or simply “Mr. M” sa showbiz world nang makapanayam ito ng BISTADO sa ginawang grand launch ng Block 1 artists ng STAR WORX sa TV5 MVP Studio sa Mandaluyong last May 5.
“Magagaling silang lahat. Each and every one has his/her own strength that people would love to support,” kuwento ng Mr. M sa Bistado.
“As young as 13, and as old as 25, pero majority ay nasa age bracket ng 14-18,” sey pa nito sa composition ng Block 1 artists na mayroong 9 na babae at 7 lalaki.
“Why not equal as in 8/8,?” tanong ng BISTADO
“We did not think of having them as pairs. Sa loob ng mahigit six months na gruelling training and rigorous activities, workshops and the like, sila talaga yung umangat at na-prepare namin for this,” sagot ni Mr. M.
Mula sa ABS-CBN kung saan nakilala bilang star builder at star maker si Mr. M to known artists such as Piolo Pascual, Jericho Rosales, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Maja Salvador and a lot more na pawang mga naging big stars sa showbiz until today, kinuha siya ng GMA 7.
“It was a short stint with Kapuso. In less than three years, naka-gawa din naman tayo pero there are things na …,” hindi na tinapos ng kilalang star builder bagkus at nagpasalamat na lang ito at naging grateful sa oportunidad na ibinigay ng GMA 7.
At ngayong nasa TV5 na siya, bitbit niya ang kanyang team na mga kilalang “star builders” din gaya nina Enrico Santos (consultant), direk Rahyan Carlos, Abby Niesta (Recruitment and Devt. Head), Andrea Alvarez, Jane Mercillano, ang mga artist managers na sina Issa Abello, Janice Damasco, Zen Galope-Roncal, si Ronald Padriaga bilang Marketing & Partnership Head with Zen Roncal at Anna Capistrano at si Patricia Daza as Public Relations & Synergy Head.
Sa hanay naman ng TV5 at MediaQuest management under sir Manny V. Pangilinan’s wing, nandiyan sina Mr. Ricky Vargas (bagong itinalagang head ng Mediaquest na siyang dating artist house ng TV5 ), Guido Zaballero at Jeffrey Remegio (head ng Star Worx).

Samantala, ang sixteen Block 1 artists ng STAR WORX ay kinabibilangan nina:Adam Buck, Amo Wilding, Chan Martin, Nico Matugas, Patrick Ballesteros, Spencer Capistrano, Wayne Leonard, Carmela Lorzano, Celyn David, Kaitlyn King, Keisha Serna, Marthena Jickain, Nathalie Apollo, Rahil Gatali, Selina Griffin at Steph Razon.
Sa isang bahagi ng mediacon ay naitanong sa mga aspiring artists ang mga iniidolo nilang artista na nais nilang sundan ang career path.
Lumutang ang mga pangalan nina Piolo Pascual, Jericho Rosales at John Lloyd Cruz sa mga kalalakihan habang si Bea Alonzo naman sa mga babae.
Dahil dito, super proud si Mr. M sa narinig at sinabi pang , “hindi sila nagkamali ng pinipili.”
Agad sumegue ang BISTADO, “pupunta po ba kayo sa kasal ni Bea?”
“I was invited. Imbitado ako,” sabay pigil sa pagbibigay ng info kung kailan at kung lilipad din ba siya papuntang Spain sa napapabalitang wedding of the year nina Bea at Vincent Co this May.


