Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Star Worx artists, mga bagong iidolohin sa showbiz

May something sa May 5 ng TV5 kaya’t ito daw ang piniling petsa para sa grand media launch ng Block 1 Artists ng STAR WORX, ang bagong tawag sa MediaQuest artist house ng MVP group of media companies.

“The stars are aligning. The signs and symbols are for them,” sey ng press release ng naturang artist agency na mag-aalaga ngayon sa lahat ng mga artista under its wing at para sa mga bagong ilulunsad na 16 artists.

Nagkaroon ang BISTADO ng pagkakataon na makita, makausap  at makilala ang mga ito. Let’s meet each of them.

Pito ang mga lalaki namely, Adam Buck, Amo Wilding, Chan Martin, Nico Matugas, Patrick Ballesteros, Spencer Capistrano at Wayne Leonard.

Mayroon namang siyam na mga batang babae na sina Carmela Lorzano, Celyn David, Kaitlyn King, Keisha Serna, Marthena Jickain, Nathalie Apollo, Rahil Gatali, Selina Griffin at Steph Razon.

Si ADAM BUCK ay grade 11 na may International Baccalaureate Diploma Program sa German European School, Manila. 18 years old at may taas na 5’11’. He is into acting and hosting and currently developing his dance skills; multilingual communicator fluent in multiple languages.

Taga-Marikina naman ang 15 year old at 5’11’ ding si AMO WILDING, who is into acting, singing and dancing. Grade 8 naman siya sa Integrated School Far East University Roosevelt, Marikina.

18 years old at may height na 5’10” si CHAN MARTIN na may skills din sa acting, singing, hosting at plays guitar bukod sa interest nito sa live streaming, basketball at iba pa. AB Communication student naman siya sa La Consolacion University.

Nagtapos naman ng AB Communication sa Ateneo de Manila University si NICO MATUGAS, 20 years old at may taas na 5’8″. Isa siyang football player at content creator, bukod pa sa pagiging basketbolista, boxer at hilig sa gym training.

Interests naman ni PATRICK BALLESTEROS ang billiards, motorcycles, football at iba pang sports bukod sa skills niya sa acting, singing, dancing and hosting. Very promising din ang pagkakaroon niya ng well-modulated voice na hinangaan ng media. Siya’y 18 years old at may taas na 5’10”.

Although 25 years old na si SPENCER CAPISTRANO na may taas na 5’8″, markado na din siya bilang isang kilalang versatile actor, model at dancer bukod sa pagiging runner, basketball at badminton player at isang culinary artist.Nagtapos siya ng kursong BS Psychology sa University of Makati. 

Si WAYNE LEONARD ay 20 years old at 5’7″ na interesado sa sports at content creation buod sa skills niya sa acting at dancing. May kurso din siyang BS Entrepreneurship sa University of Santo Tomas.

Sa hanay naman ng babae ay nandiyan sina:

CARMELA LORZANO, 17 y/o, 5’1″, mahusay na singer at isang grade 11 senior high school student.

18 years old at may height na 5’4″ si CELYN DAVID na interesado sa modelling, dancing, singing, painting at drawing. Isa din siyang grade 11 student sa Humms National University East Ortigas.

At 15, si KAITLYN KING ay nais maging singer at dancer bukod sa pagiging aktres. Interests niya ang kahit anong art form, swimming, science at iba pa.  Grade 10 naman siya sa Montessori de Sagrada Familia.

Tila galing naman sa angkan ng mga artista si KEISHA SERNA. 18 years old at may taas na 5’9″ na bagay maging model at beauty queen. SHS graduate siya sa Frames of Mind School sa Rodriguez, Rizal.

Pinagkaguluhan din ang napakagandang anak ni QC Councilor Aiko Melendez na si MARTHENA JICKAIN, 19 years old, may taas na 5’6″ at second year student sa Ateneo de Manila University na may kursong AB Development Studies.

Ang pinakabatang si NATHALIE APOLLO at 13 years of age ay may katangkaran sa 5’5″ nitong height na mahilig din sa fashion designing at content creation. Incoming grade 9 student siya s Frames of MInd School.

Malaki naman ang pagkakahawig ng stunner ding si RAHIL GATALI sa mga beauty queens na sina Rabiya Mateo at Ms. World Megan Young, kaya’t marami ang nagkukumbinsi ditong pasukin din ang pageantry soon. Siya’y 14 years old lamang at may pam-beauty queen ding height na 5’7″. Grade 7 siya sa Dumangas National High School.

Grade 11 naman bilang Arts and Design Track sa De La Salle University sa Laguna si SELINA GRIFFIN, 16 years old at may taas na 5’6″.

Si STEPH RAZON ay 17 years old , 5’5″ senior high with Stem Track sa San Beda University.

Lahat ng mga babaeng aspiring artists ay pawang mahuhusay sa hosting skills, acting, dancing at singing, bukod pa sa mga interes nila sa sports, content creation at iba pang mga uso ngayon sa online world.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles