Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Diesel, gasolina taas-presyo na naman sa susunod na linggo

Matapos ang tatlong linggong rollback, nakaamba ang panibagong taas-presyo sa diesel at gasolina sa susunod na linggo.

Batay sa unang dalawang araw ng Mean of Platts Singapore average ngayong linggo at galaw ng foreign exchange, posibleng tumaas ang diesel ng P1 hanggang P3 kada litro at gasolina ng P1 hanggang P2 kada litro.

“The stalled US-Iran talks has helped drive prices higher this week, as Iran still maintained its chokehold on the Strait of Hormuz and the US Navy upholds its blockade of Iran’s ports,” ayon sa industry source.

Sa isa pang pagtaya batay sa Mean of Platts Singapore trading at foreign exchange averages sa nakalipas na apat na araw, posibleng tumaas ang diesel ng P1 hanggang P2 kada litro at gasolina ng P2 hanggang P3 kada litro.

Ayon sa Department of Energy, may posibilidad ng pagtaas sa pump prices dahil sa patuloy na paghina ng Philippine peso laban sa US dollar. Sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na may early trends sa global oil trading na nagtuturo sa upward adjustment sa presyo ng produktong petrolyo.

Karaniwang inaanunsyo ng oil companies ang price adjustments tuwing Lunes at ipinapatupad ito kinabukasan.

Noong April 28, nagpatupad ang fuel firms ng P0.53 kada litro na dagdag sa gasolina. Bumaba naman ang diesel ng P12.94 kada litro at kerosene ng P15.71 kada litro.

Ayon sa pinakahuling datos ng DOE, ang price adjustments ngayong linggo, ang ika-17 oil price movement ngayong taon, ay nagresulta sa total net increase na P44.23 kada litro para sa gasolina, P48.96 kada litro para sa diesel, at P57.99 kada litro para sa kerosene. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles