Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Bea Alonzo, dumaan muna ng Thailand bago lilipad pa-Spain para sa kasal

Bakas ang saya ng mga kababayan natin na nakasabay sa plane si Bea Alonzo pa-Thailand nitong Miyerkules.  

Excited ngang pinost ng mga kababayan nating guro na nagtatrabaho sa Rayongwittayakom School sa Rayong, Thailand ang photos nila kasama si Bea sa airport.

Sinamantala ng mga guro ang chance na makapag pa-picture kay Bea pagkalapag ng eroplanong sinakyan nila. Aliw na aliw nga ang dalawang Pinoy teachers dahil naging magiliw daw sa kanila ang maganda at kilalang aktres.  

Ang nakakaloka, may mga intrigerang netizens ang nagtatanong kung bakit hindi umano kasama ng aktres ang fiancé niyang si Vincent Co?

Akala yata ng mga tsismosang tambay ng socmed ay honeymoon nina Bea at Vincent ang dahilan kung bakit nasa Thailand ang aktres.

Sabagay, hindi mo rin masisisi ang netizens dahil kalat na kalat na  ang tsikang nagpakasal na sa bansa ang dalawa bago pa ang ang napapabalitang kasalan ngayong buwan ng Mayo sa Spain.  

Pero malakas ang kutob ng fans ng aktres na baka endorsement shoot daw ang reason kung bakit ito nasa Thailand.

Karamihan kasi sa mga advertising campaigns at TV commercial ng international brands ay sa Thailand kinukunan.

Samantala, usap-usapan na rin sa online world na may ilang taong malapit kay Bea ang nakabili na raw ng plane tickets patungong Spain para dumalo sa pinag-uusapang wedding of the year.

May mga kumakalat ding chika na sa May 16, 2026 na daw ang kasal nina Bea at Vincent sa Spain. Pero wala pa ring kumpirmasyon ito mula mismo sa aktres at mga malalapit na kaibigan ng magdyowa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles