Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

KathMark-KaiNiel, may paligsahan nga ba?

Napapansin ng mga tambay sa socmed na mukhang nagpapaligsahan daw sa pagpo-post at pagha-hard launch sa online world ang KathMark at KaiNiel.

Sila nga ang mga popular na tandem o sa totoong buhay ay magkaka-relasyon.

KathMark ay sina Kathryn Bernardo at Mark Alcala, habang ang KaiNiel at sina Kaila Estrada at Daniel Padilla.

Ang tsika ng mga faney at mga memang netizens, noong nagpaulan daw ng mga resibong photo sa 30th birthday vacation niya sa Bhutan si Kathryn Bernardo at nang lumabas sa publiko ang aktres kasama si Lucena City Mayor Mark Alcala noong mismong araw ng kaarawan ni Daniel Padilla last Sunday ay tila saka naman daw nag-hard launch si Kaila Estrada ng relasyon nila ng aktor.

Iniintriga ng mga atribidang cyber citizens ang timing ng pagpo-post ni Kaila ng sweet moment nila ng nobyo na kuha noong 31st birthday celebration ni DJ.May mga nagsasabi pa ngang tila binigkas na ni Kaila ang “I Love You” para sa bf.

Nakakaloka dahil mukhang gusto lang naman ni Kaila na  iflex ang happiness niya with her bf pero pati iyon binigyan ng kulay.

Ang hinala ng mga intrigerang faney at casuals ay baka yun umano ang sagot nito sa mga Bhutan photos ni Kath dahil alam naman lahat ng fans na sa lugar na ito nag-taping sina Kath at Daniel ng serye nilang “Princess And I” noong 2012 at sa seryeng ito nabuo ang romansa ng KathNiel.

Pagkatapos nga raw mag-hard launch ni Kaila sa Instagram ay sinundan naman daw  agad ito ni Mayor Mark.

Pinost nga ng napapabalitang bagong  boyfriend ni Kathryn ang bonding moment nila ng “fur baby” ng aktres na si Snowy.

Kilalang-kilala ng KathNiel fans ang nasabing Bichon Frise dog na ito ni Kath dahil ito ang regalo ni DJ noong mag-debut ang aktres noong 2014. Si Snowy rin ang nanay ni Summer, ang namayapang alagang aso naman ni Daniel.

Abangers ang fans sa mga susunod na posting mula dating magdyowa at nang mga new partners nila.

Nakakaloka, parang hindi pa rin nakaka-move on ang madlang people sa KathNiel samantalang mukhang masayang-masaya na naman si Kathryn sa piling ni Yorme ganon din naman si Daniel kay Kaila.

Or baka naman kapwa may hindi pa nakaka-move on?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles