Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Gin Kings hangad ang liderato sa PBA Commissioner’s Cup

Hangad ng Barangay Ginebra na maki-sosyo sa liderato at mapanatili ang winning streak sa laban kontra Meralco ngayong Biyernes sa PBA Season 50 Commissioner’s Cup.

Maghaharap ang Gin Kings at Bolts simula 7:30 p.m. sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Tatabla sa 8-2 ang tropa ni coach Tim Cone, kapareho ng NLEX at Rain Or Shine, kung masusungkit ang ikaanim na sunod na panalo.

Nasa ikalimang pwesto ang Meralco (5-3) matapos ang dalawang sunod na talo sa NLEX at San Miguel.

Pangungunahan pa rin ni Justin Brownlee ang Ginebra samantalang si Marvin Jones ang sa Meralco.

Sa unang laro simula 5:15 p.m., ipaparada ng Phoenix ang nagbabalik Best Import na si Jonathan Williams kontra TNT Tropang 5G.

Galing sa 119-112 panalo ang Tropang 5G laban sa Macau Black Knights noong Abril 24. Aakyat sila sa 7-3 at papasok sa quarterfinals kung mapapataob ang Phoenix.

Kung magtuloy tuloy at talunin din ang Magnolia sa Mayo 5 at Ginebra sa Mayo 10, papasok ang TNT sa top four at makukuha ang twice-to-beat bonus.

Talo naman ang Phoenix (5-4) sa huling laro nito laban Converge, 103-130, noong Abril 26. Hindi naglaro ang pinalitan na import na si James Dickey III dahil sa sprained ankle.

Hangad ng Fuel Masters na napanatili ang tikas ni Williams, na nag-average ng 24.5 puntos, 16.4 rebounds, 5.2 assists at 1.6 blocks sa 17 laro noong 2023-24 Commissioner’s Cup.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles