Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Jodi Sta. Maria, naging dancer sa Japan sa “Midnight Girls”

Para sa isang Jodi Sta. Maria, isang award-winning actress at laging nagbibigay ng challenge sa bawat role na kanyang ginagampanan, malaking hamon ang role niya bilang isang Filipina entertainer sa Japan in the upcoming film “Midnight Girls.” 

No less than Joy Cancio ng Sexbomb at iba pang sumikat na dance group sa bansa ang naging mentor ni Jodi para sa pagsasayaw na kanyang ginawa sa movie.

“Role na ’to ay ’di ko inakala mangyayari pa sa life ko. Being in the business so long, akala ko nagawa mo na lahat—marami pa pala pwede,” pahayag ng aktres.

Game na game nga si Jodi an matawag na “japayuki” (term ng mga hostess sa Japan), pero curious daw ito sa makabagong term na tawag sa mga ito ngayong Gen Z na ang audience.

“Ano na nga ba ang term sa mga gaya nila ngayon?,” ang natatawa pa nitong tanong sa mga co-stars niya sa pelikula gaya nina Jane Oineza, Loisa Andalio, at Sanya Lopez

“Hindi naman ata nagbago. Same pa rin pero nilagyan na lang ng Gen Z o Alpha Gen sa ngayon, though hindi na ito gaya dati na masyadong may negative connotation,” hirit naman ng direktora nitong si Irene Villamor, kilala sa kanyang mga pambabaeng pelikula.

Dagdag pa direk Irene, “Meron silang immersion. The entertainers there talked to the girls. May dance lessons. Lahat pinagdaanan nila para bigyan justice ang roles, and they have been very good. Kung gusto mo maiyak, matawa, or naghahanap ng sisterhood, this is your movie.” 

Bukod nga daw sa pagpapakita sa film ng plight pa rin ng mga Pinay entertainers sa Japan at kung paano silang nag-succeed o nabigo, laman pa din daw ng MIdnight Girls ang mga usapin sa cultural differences and mixture ng mga bansa at kung paanong sa panahong ito ay tila hindi pa rin nagbabago.

Hirit pa ni Jodi, “I will always treasure this kind of film. Hindi lang ito usapin ng mga babae at mga entertainers sa Japan o sa ibang bansa na may same issues. This is more of human survival, yung existence na kahit nasaang panig ka ng mundo, mahalaga yung dignity, honor at discipline and right values sa buhay.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles