Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Sen. Gatchalian: Ebidensya ang magiging batayan sa boto sa impeachment ni VP Sara

Iginiit ni Senador Sherwin Gatchalian na ang lakas ng ebidensya ang magiging pangunahing batayan ng mga senador sa pagdedesisyon sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa isang panayam nitong Martes, sinabi ni Gatchalian na ang magiging resulta ay nakasalalay sa mga ebidensyang nakalap ng House of Representatives at ihaharap sa Senado kapag umupo ito bilang impeachment court.

“It will boil down to the evidence…what the House of Representatives has gathered. That will be presented eventually,” aniya.

Binanggit din ng senador na bagama’t maaaring magkaroon ng impluwensya ang opinyon ng publiko, mahalaga pa rin ang ebidensya dahil ang mga senador ay may mandato mula sa buong bansa.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagiging patas ng mga senador sa oras na gampanan nila ang kanilang papel bilang hukom.

“I pray that our fellow senators, when they put on the robe, they will become impartial as much as possible because what matters the most will be the evidence that will be presented,” dagdag niya.

Ayon kay Gatchalian, nakatuon pa sa ngayon ang mga pagdinig sa Kamara sa pagtukoy kung mayroong probable cause sa mga reklamong inihain laban sa Bise Presidente.

Dagdag pa niya, mas marami pang ebidensya ang inaasahang ihaharap kung ang impeachment complaint ay maipapasa sa Senado.

Samantala, inaasahang magpapasya ang House Committee on Justice kung may sapat na basehan para iakyat ang impeachment complaint laban kay Duterte sa Senado para sa paglilitis sa itinakda nitong huling clarificatory hearing ngayong Miyerkules, April 29. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles