Kahapon, isang araw bago ang maganap ang inaabangang “Billboard Women In Music” Awards Night na magaganap ngayong Miyerkules, April 29 sa Hollywood Palladium in Los Angeles ay inanunsyo ng Billboard International sa online world kung sino ang nakatokang mag-present ng prestihiyosong award para sa BINI.

Walang iba kundi si Cara Delevingne, sikat na fashion model turned actress-singer, ang napiling magflex at mag-hand over ng award para sa kahusayan ng P-pop Queens.
Sa sikat na personality natoka ang pagpe-present ng Global Force Award ng Nation’s Girl Group.
Kung si Cara ang maggpe-present ng award sa P-pop queens, ang equally popular namang si Bella Poarch naman ang magpe-present sa na-ka-tie ng BINI bilang Global Force na “The Beaches” ng Canada.
Narito ang iba pang mga presenter sa mga awardees ng Billboard Women In Music 2026:
Si Coco Jones ang presenter ng Rising Star Award kay Mariah The Scientist.
Victoria Monet – Hitmaker Award for Tate McRae.
Tyla – Breakthrough Award for Zara Larsson.
Lainey Wilson- Powerhouse Award for Ella Langley
Ciara – Impact Award for Kehlani
Brandi Carlile – Innovator Award for Laufey
Ang Hollywood actress, director, producer at philanthropist naman na si Eva Longoria ang magpe-present ng Icon Award ni Thalía na mas kilala ng mga Pinoy bilang si Marimar, María Mercedes, María la del Barrio at Rosalinda.
Ang Grammy award winning singer at music icon na Dionne Warwick ang mag-aabot ng Visionary Award ni Teyana Taylor. Si Teyana kasi ang personal choice ni Dionne na gumanap sa biopic niya dahil malaki umano ang pagkakahawig nilang dalawa.
Ngayon pa lang ay aligaga na ang Blooms worldwide at siguradong tutukan ito ng fans ng BINI at mga kababayan natin dahil may live streaming naman ito sa Billboard.com at sa Billboard YouTube channel.


