Sa isang pambihirang pagkakataon ay muling nabigyan ng “golden buzzer” ang pinoy pride na si Matty Juniosa sa ongoing Britain’s Got Talent.
For the record, si Matty ang kauna-unahang Asian hopeful na nakakuha ng ganung oportunidad after nitong makuha ang unang golden buzzer courtesy of judge Simon Cowell noong mag-audition ito na siyang nagbigay ng right sa kanya to advance sa semi finals round.
Sa semis nga ay muli niyang pinahanga hindi lang ang mga judges kundi ang mga audience na ngayo’y hangang-hanga at nagbibigay ng malakas na suporta kay Matty.
Sa pamamagitan ni judge Amanda Holden na nagbigay ng ikalawang golden buzzer kay Matty. automatic ng a-advance sa FINALS ang pinoy artist.
“Effortlessly sensational. That was a stellar masterclass in how to deliver a Class A vocal. Well done,” papuri ni judge Alesha Dixon na lalong nag-udyok sa live audience na muli itong bigyan ng ‘golden buzzer.’
Agad namang nagsalita si judge Amanda Holden na nagsabing nakausap niya ang mga producers ng show at tinanong na kung hindi niya bibigyan ng ‘golden buzzer’ si Matty ay ano kaya ang mangyayari?
“It will go to the audience,” sagot daw sa kanya ng mga producers. Pero sinabi nga niyang hindi na siguro yun kakailanganin pa dahil siya na mismo ang magbibigay sa pinoy artist na naturang ‘golden buzzer’ na magdadala nga kay Matty sa FINALS, kung saan boto ng mga judges at mga tao ang magde-determine ng victory para dito.
Ayon sa isang interview ni Matty na napanood ng BISTADO, ready at prepared talaga ito sa pinasok na singing search. Pinaghandaan daw niya talaga ang mga kakantahin, ang isusuot at lahat ng posibleng magbiga sa kanya ng pinapangarap na golden buzzer patungo sa finals.
“Ngayon po ay makakatipid na buing pinoy community and my friends here in Glasgow (UK) sa pagbibigay gn kanilang boto sa akin,. And this time, honestly speaking, hindi na ako mahihiyang humingi ng suporta. As I have mentioned in all my interviews this is not just for me because I so believe that pinoy talents are there, just waiting for the whole world to witness, see and be appreciated, admired and be loved,” bahagi pa ng panayam kay Matty.
Ang pamosong rock song na “DREAM ON” ng kilalang rock band na AEROSMITH ang wagas na pinerform ni Matty na kinalugdan ng lahat matapos ang unang golden buzzer song niyang “PURPLE RAIN” na pinasikat naman ni Prince.
Dahil dito inaabangan na ng mga pinoy sa buong mundo at iba pang lahi na nakakilala na kay Matty ang susunod nitong pasabog performance come FINALS in the next weeks to come.


