Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

STAR WORX Talents, makikilala na

Pinag-uusapan na sa apat na sulok ng showbiz ang nalalapit na pagpapakilala ng STAR WORX artists ngayong darating na May 5.

Sa mga ulat na nasagap ng BISTADO, desidido ang pamunuan ng TV5 o Kapatid Network na ibuhos ang kanilang full support sa mga kabataang artista na kung ilang buwan ding hinubog at pinaghahanda ng STARBUILDER na si Mr.M, aka Sir Johnny Manahan, para magkaroon ng kani-kanilang lugar sa showbiz– mapa-TV, movies, music, theater, ramp, products and services endorsements at iba pang aspeto ng arts.

Sa halos sunod-sunod na teasers na inilabas ng STAR WORX sa lahat ng social media platform at traditional media outlets, nagkaroon na agad ng mga followers ang mga future Kapatid artists kahit hindi pa sila totally “revealed.”

“Nakaka-excite kasi. Ang gaganda ng mga mukha. Very refreshing. Yung mga mata nangungusap, marunong na silang mag-emote sa cameras. Ramdam namin, maraming sisikat at iidolohing mga bagong artistang sisibol mula sa Star Worx,” komento ng netizen sa online world.

“Bongga talagang gumawa ng gimik o strategy si Mr. M. Matatakam ka sa mga pasilip na mukha, ng mga mata, mga ngipin, ilong, etc. Perfect sa kanilang mga slogan na pinagtatrabahuhan talaga ang pagiging stars,” hirit naman ng ilan pa.

Ayon pa rin sa nakalap ng BISTADO mula sa mga sources sa TV5, may total na siyam (9) na babae at pitong (7) lalaki na ilulunsad ng sabay-sabay ngayong darating na May 5, sa isang napakalaking media conference event.

Saad pa ng TV5 source, “Each artist selected represents and helps shape the STAR WORX vision. These new faces reflect the standard STAR WORX sets for building stars.”

 “Very soon, these young artists will begin to appear across TV5’s shows, events, and platforms. On May 5, they will be fully unveiled, giving audiences a closer look at the next generation in action,” dagdag pa ng same source na nag-imbita din sa BISTADO to cover.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles