Sa pagbabalik telebisyon ng Deal or No Deal na halos isang dekadang hindi napanood ng pinoy viewers, no less than the Star for All Seasons at Batangas Gov. Vilma Santos Recto kasama ang manugang nitong si Jessy Mendiola ang mga inisyal na nakipag-deal or no deal sa Pambansang Game Host Luis Manzano.
Nagsilbing birthday presentation ni Luis ang naturang pagbabalik TV ng kilalang game show.
Last Saturday, April 25 ay masayang nakipagkulitan si Luis sa kanyang “Mamshie (Ate Vi) at Hawhaw (Jessy)” ang pamosong mga terms of endearment ng batikang game show host sa itinuturing niyang most important women of his life, kasama ang anak nilang si Peanut, na surpresa ding lumabas at bumati sa ama ng “happy birthday.”
Kasama ng ilang mga kilalang Lucky Stars niya na may hawak ng mga brief cases, napuno ng kaba, halakhakan, kantiyawan at okrayan ang isang oras na show sa pagbabalik Kapamilya TV nito.
As usual, ang BANKER na isa sa mga sikreto ng show ay masaya ding nakipag-kulitan kina ate Vi at Jessy lalo na’t may ipinakita din itong malaking “panyo” na animo’y tuwalya na siya daw pangontra sa swerteng dala-dala ng award-winning actress at icon ng Phil. showbiz.
Sa 20 brief cases na bahagi ng show kung saan nandun ang mga katumbas na pera mula piso hanggang isang milyon, ang number 3 brief case ang pinili nina Ate Vi at Jessy dahil sa mga sumusunod na pag-analisa ng mga numbers sa buhay nila. Birthday ni ate Vi ay Nov. 3, si Jessy ay Dec. 3, 3 years old na si Peanut, birthday ni Luis ay April 21 (3 ang total), at iba pang sa tingin nila ay dinadala sila sa nasabing numero.
Naging very exciting ang laro lalo na kapag nabubuksan ang maliit na halaga ng brief case at nakikipagtawaran sina Ate Vi at Jessy kay Banker. Sa bandang huli ay nakipag-deal ang dalawa sa presyong P81,000.00, dahil nabuksan ang isang milyon na hawak ng Lucky Star na si Aubrey Miles.
At dahil earlier in the show ay nangako si Luis na dodoblehin niya ang halagang mapapanalunan ng dalawa dahil mapupunta ito sa dalawang charitable institutions gaya ng Vilma Santos Foundation at Child Haus, boluntaryo ding nag-chip in sina ate Vi at Jessy para maging P300k ang amount. Paghahatian ito ng dalawang foundations na tatanggap ng P150k each.
Ang ilan pa sa mga Lucky Stars ni Luis ay sina Cris Villanueva, Ynez Veneracion, Long Mejia, Mommy Ganda, Jopay Paguia, at iba pang mga kialla sa socmed world.


